Walang costume si Kurt Kendrick sa launching film niyang Adonis X, sa direksiyon ni Alejandro “Bong” Ramos.
“Yes, sobrang tipid!” bulalas ng baguhang hunk actor sa grand launch ng AQ Prime Stream at Director’s Cut by AQ noong Hunyo 4, Sabado, sa Conrad Hotel, Pasay City.
“First time ko pong gumawa ng isang movie na katulad nito. Expect niyo na pati kayo, magugulat. Kasi, kahit ako, nagulat.”
Read: Tatlong mapangahas na pelikula, mapapanood sa bagong streaming platform na AQ Prime
Nahirapan ba siya sa pagpo-frontal sa pelikula?
“Well, kayo na lang ang mag-judge. Tingnan niyo na lang. Tingnan niyo kung nahirapan ako o hindi,” napapangiting tugon ni Kurt.
“Pero all I can say is I did my best.”
Sobrang comfortable si Kurt sa co-stars niya sa Adonis X na sina Kristof Garcia, Mark McMahon, Jaycee Domincel, Grace Vargas, at Mia Aquino.

Jaycee Domincel, Kristof Garcia, Mark McMahon, and Kurt Kendrick
“I didn’t expect na yung first time ko, magiging ganito kadali dahil na rin sa mga kasama ko sa cast at sa prod,” lahad ni Kurt.
“Si Kristof, especially sa mga sexy scenes namin… yun ang inaalala ko nung una, baka mahirapan ako, hindi ako sanay.
“But as it turns out, naging madali para sa akin na katrabaho siya. Kasi, kahit paano, ginabayan niya ako at sinabihang huwag na lang mahiya.
“Si Mark, OK din. Super-dali din niyang katrabaho. Mostly, nagkukulitan lang kami sa set. Even si Jaycee.
“Kaya wala, masaya lang yung shoot namin the whole time.”
Kumustang katrabaho si Direk Bong?
“Ay, grabe! Sobrang galing! First time ko siyang makatrabaho pero super on hand siya. Tapos, every scene, talagang tinututukan niya.”
Paano niya ide-describe ang movie?
“Diyos ko! Hindi ko na kailangang i-describe! Title pa lang saka picture pa lang ng poster, Adonis X! Alam niyo na!” natatawang wika ni Kurt.
CONFIDENT ABOUT BARING HIS BODY
Ganoon ba talaga siya ka-confident na ipakita ang kanyang katawan, lalo pa’t wala siyang saplot sa pelikula?
Napakuno’t noo si Kurt at natigilan sandali bago sumagot, “Sa totoong buhay, medyo 50/50. Kasi, lahat naman ng lalaki na nagwo-workout, pinaghihirapan nila ang katawan nila, so medyo proud sila dun.”
Matagal-tagal na ring nagmo-model si Kurt.
“Kaya, in a way, medyo sanay na rin ako sa pagpapakita ng katawan,” sagot ni Kurt.
“Pero first time ko kasi na talagang may sex scenes na… basta, grabe! And first time ko rin na mag-BL [boys’ love] actually.”
Na-enjoy ba niya ang pagbi-BL?
“Well, very professional lahat ng ka-work ko. Very OK ang director ng prod. So, wala, it’s a good movie.”
Ano ang pinakamatinding ginawa niya sa Adonis X?
“Ang dami, e! Technically, first time ko to have sex scene with a guy. Tapos, it’s my first time kissing a guy. Basta, madami!”
Ang first movie ni Kurt ay Hospicio (2018) kasama si Loisa Andalio. Dito sa next movie niya, bidang-bida na siya at title role.
“Yes, ito yung isa talaga ako sa mga bida,” pagpapakumbaba ni Kurt.
“Sa akin umiikot yung story pero panoorin niyo na lang para mas maintindihan ninyo.”
EXPECTATIONS
Ano ang ine-expect niyang magiging epekto sa kanyang career sakaling mag-streaming na ang Adonis X?
“Actually, ang expectations ko, siguro wala masyado. All I know is I did my best,” malumanay na sambit ni Kurt.
“Kung may darating, thank you. Kung wala, proud pa rin ako sa naging work ko.”
Interesado ba talaga siyang ipagpatuloy ang pag-aartista?
“Opo naman. Very interested po ako. It’s one of my passions, and hobby,” sagot ni Kurt.
“At the same time, matagal ko na siyang ginagawa and I think I can really improve and do good on it.”
Mas may mailalabas pa ba siya sa susunod niyang movie project? Kaya niyang maging mas mapangahas pa?
“Siguro! Kasi, I believe na as an actor, I always have space for improvement,” pagbuntong-hininga ni Kurt.
“Kasi, hindi naman ako ganun kagaling. Maraming mas magaling. So, laging may improvement.”
EXHIBITIONIST?
Maikukunsidera ba niya ang sarili na may pagka-exhibitionist?
“Well, I think so. I believe so, to myself, medyo,” pag-amin ng 27-anyos na si Kurt.
Andami nang pinagdaanan ni Kurt sa buhay, at ipinagmamalaki niya iyon. Nalampasan niya ang dark episodes.
“Yes, siyempre, madami rin ako nun,” sambit ni Kurt, “and thankfully, nalagpasan ko nang maayos.”
Na-orient ba niya ang mga kapamilya niya sa pinaggagawa niya sa Adonis X?
“Well, yeah. Binigyan ko na sila ng idea, ng glimpse. Pero siyempre, hindi ko pa nakuwento lahat para kahit papaano, may surprises pa din sa movie.”
Ano kaya ang magiging reaksiyon ng pamilya niya kapag napanood itong Adonis X?
Natawa si Kurt, “Well, sa totoo lang, kinakabahan ako. Pero I hope, they can be proud of what I made.
“Na talagang inilabas ko yung todo ko dito.”
