Watch Now

Andrea del Rosario "in the process" of relocating to U.S.

by Rose Garcia
Jun 9, 2022
Andrea del Rosario and partner Anthony Garcia
Andrea del Rosario says she and fiance Anthony Garcia have started talking about their wedding "sa ibang bansa."
PHOTO/S: @andreadelrosario_official on Instagram

May plano si Andrea del Rosario na umalis ng bansa at manirahan na sa U.S.

Ito ang isiniwalat dating VIVA Hot Babes member sa ginanap na online mediacon para sa Love You Stranger, ang bagong prime-time series ng GMA-7.

Saad ng aktres, “Yes, because my fiancé is an American citizen.

“Half of the year, he stays in America. Half of the year, here, and he’s a professional polo player.”

Ang boyfriend ni Andrea ay si Anthony Garcia, isang polo player at may-ari ng isang malaking hacienda sa Calatagan, Batangas.

Sabi pa ni Andrea, “Ganoon ang dynamic namin right now. But in the near future, since my daughter is also born there, gano’n.”

Natatawang dagdag niya, “Pero magte-taping muna ako. Magtatrabaho muna ko rito. And yeah, yun ang plan sa future.”

Hindi pa rin naman masabi ni Andrea kung kailan niya ito isasakatuparan.

“I don’t know yet, but in the process po ang lahat. But siyempre, kinokonsider ko po ito because of my daughter. At least, she has an option.

“Siyempre, sa sitwasyon na ganito, I might have to set aside my own plan, unfortunately. Hopefully, makapagtrabaho rin ako doon.

“Alam naman natin ang mga Filipino, namamayagpag din sa ibang bansa, sa America. I’m starting to talk to some friends there that can hopefully, help me.

“Siyempre, big dreams, we’ll see what will happen.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ANDREA AND ANTHONY'S WEDDING PLANS

Inamin naman ni Andrea na may plano siyang magpakasal sa present boyfriend.

Pero halatang hindi pa ito ganoon kakumportable na pag-usapan ang tungkol sa kasal.

“Secret,” ang natawang unang sagot niya.

Saka sinundan na, “Yeah, meron… sa ibang bansa, siguro. Yeah, yun, may plano pong ganoon.”

Natatawa naman siya nang sabihing, “Akala mo sixteen years old, ‘no? Meron… marami lang mga factors talaga na kailangan kong i-consider before kong i-share sa inyo.

“But meron, meron din.”

turning down projects

Kasalukuyang napapanood ngayon si Andrea sa bagong GMA-7 prime-time series na Love You Stranger.

Pero bago ang serye na ito, may mga natanggihan daw siyang serye sa parehong networks.

Ayon kay Andrea, “Tinanggap ko po ito dahil—o sige, magso-sorry na po ako. Kasi, may tinanggihan ako. Nagkataon kasi nag-a-IVF procedure po ako noong time na iyon.

“So unfortunately, I had to turn down last minute a project here, and, at the same time, hayun, marami akong tinanggihan even sa kabila.

“Kasi naman po, yung issue na saan ko po iiwan ang anak ko. So yun ang naging issue doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ngayon naman po, nagkaroon ako ng help nitong time na ito kasi Anthony came back from America.

“Na-entrust ko po ang anak ko for this particular show so I’m very, very grateful.

"I guess, meant to be na matanggap ko po itong show na ito, so super happy.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andrea del Rosario says she and fiance Anthony Garcia have started talking about their wedding "sa ibang bansa."
PHOTO/S: @andreadelrosario_official on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results