Marlo Mortel clueless about rumored breakup of former love-team partner Janella Salvador

by Rose Garcia
Jun 11, 2022
Marlo Mortel
Marlo Mortel admits to being clueless about rumored breakup of former love-team partner Janella Salvador and her live-in partner Markus Paterson. He says, “I don’t know kung saan sila okay. Kung ganoon ang kakahinatnan ng relationship nila, I mean, gusto ko munang ma-confirm at saka na ako magre-react."
PHOTO/S: @marlomortelmusic on Instagram

Masaya si Marlo Mortel na may panibagong opportunity ang mga artista, lalo ang mga nawalan ng trabaho sa panahon ng pandemya.

Dumalo ang Kapamilya star sa grand launch ng AQ Prime, isang bagong Pinoy streaming app, na ginanap sa Conrad Hotel ng June 4, 2022.

Aniya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I’m so happy kasi siyempre, maraming artista na nawalan ng trabaho noong pandemic. This is also an avenue for us to also act and hopefully, ma-widen pa ang audience.

“At least, digital age na tayo. Meron tayong another app na hindi lang tayo limited doon sa merong mga apps na, pero meron tayong AQ Prime na may mga Pinoy movies.”

Ang pelikula ni Marlo sa AQ Prime ay ang Huling Lamay, sa direksiyon ni Joven Tan.

“It’s a horror movie. I love horror movies,” saad niya.

“Ang unang movie ko is a horror movie, ang Haunted Mansion. So, I’m proud. Doon ako nanalo ng award dati.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So sana ang movie na ito, tangkilikin ng mga tao for entertainment and doon din sa mahilig sa horror.”

MARLO REACTS TO JANELLA'S RUMORED BREAKUP

Speaking of Haunted Mansion, kasama niya sa 2015 movie na ito ang dating ka-love team na si Janella Salvador.

May usap-usapan na diumano’y nagkalabuan o hiwalay na raw sina Janella at ang partner nitong si Markus Paterson.

Kaya naitanong kay Marlo kung may ideya ba siya na may ganitong isyu tungkol kay Janella.

“Not really, hindi pa kami ulit nagkakausap ni Janella,” pag-amin niya.

“I don’t know kung saan sila okay. Kung ganoon ang kakahinatnan ng relationship nila, I mean, gusto ko munang ma-confirm at saka na ako magre-react.

“Basta ako, I’m happy for the both of them, kahit couple or individual."

BACK TO THE CINEMAS

Samantala, pang-pito na ang Huling Lamay na pinagsamahan nilang pelikula ni Direk Joven.

At basta ito raw ang nag-offer sa kanya, talagang umu-oo siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Marami na at go ako agad. Direk Joven yun, e,” positibo niyang sagot.

“Never naman akong tumanggi kay Direk Joven, at saka excited din akong gumawa ng horror at mag-acting ulit. First acting ko ito during pandemic.”

Sa tingin daw ni Marlo, sa panahon ng pandemic, nakapag-adjust ang mga tao na ang pelikula ay napapanood na sa online at hindi na lang sa mga movie theaters.

“Feeling ko naman, nag-adjust na ang mga tao sa two years na nag-pandemic na walang sine. Puro lang tayo mga Netflix.

“I think, mas sanay na nga sila. Sad to say, pero mas naging used na ang mga tao sa bahay lang.

"Pero I’m happy na unti-unti, going back to normal na rin ang mga pelikula, nakakanood na rin sa mga sinehan.

“Nanood kami ni Sir Martin Nievera ng pelikula sa States, ang Doctor Strange,” sabi pa niya.

Sa ngayon, wala pa raw siyang naka-line-up na teleserye. Talagang naka-focus din daw siya sa music niya, kunsaan under PolyEast Records na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May plano rin si Marlo na makapag-build ng international career simula nang makilala niya ang Grammy Award winner na si Anderson Paak nang magpunta siya ng America noong April.

“Sa serye, if ever meron, of course, grab,” sabi pa rin niya.

hari ng kumu

Mukhang "in a good place" si Marlo ngayon dahil sa kabila ng pandemic, nakapagpatayo siya ng bahay.

Ayon sa aktor, katas daw ito ng streaming app na KUMU.

“Sobrang blessing sa akin ng KUMU,” pag-amin niya.

Hindi maitatanggi na si Marlo ang isa sa nag-hit talaga sa naturang app.

Tama bang tawagin siya Hari ng KUMU?

“Hindi naman,” natawang sagot niya.

“Pero, paano ko ba sasabihin—kahit ang daming nawalan ng work because of pandemic, pero dahil sa KUMU, marami kaming nag-strive.”

At saka niya inamin na dahil nga sa KUMU kaya siya nagkaroon ng bagong bahay.

“Dahil sa KUMU, nakakuha ako ng bahay na gusto ko. So, lilipat ako doon soon. It’s somewhere in the South, kasi doon ako lumaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"'Tapos, ang dami ko pang narating abroad. Ang dami ko pang prizes na nakuha.”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marlo Mortel admits to being clueless about rumored breakup of former love-team partner Janella Salvador and her live-in partner Markus Paterson. He says, “I don’t know kung saan sila okay. Kung ganoon ang kakahinatnan ng relationship nila, I mean, gusto ko munang ma-confirm at saka na ako magre-react."
PHOTO/S: @marlomortelmusic on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results