PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ogie Diaz reconciles with BB Gandanghari in the U.S.

Ogie Diaz and BB Gandanghari bury the hatchet after a year-long rift.
by Bernie V. Franco
Published Jun 8, 2022
ogie diaz bb gandanghari
Ogie Diaz on meeting BB Gandanghari in the U.S. “Nag-usap kami almost two hours. Nakakaloka! Tsikahan lang kami nang tsikahan.”
PHOTO/S: YouTube (Ogie Diaz Showbiz Update)

Nagkaayos na sina Ogie Diaz at BB Gandanghari matapos ang higit isang taong alitan.

Kinumpirma ito mismo ni Ogie na kasalukuyuang nasa Amerika.

Nakipagkita raw talaga siya kay BB, na nakabase ngayon sa U.S., para makipag-ayos.

Matatandang nagkaroon ng bangayan at sagutan sa social media ang dalawa na nagsimula noong huling bahagi ng 2020.

“Nagkita kami finally nitong si BB Gandanghari,” kuwento ni Ogie sa kanyang YouTube vlog nitong June 8, 2022.

Naging tulay raw sa kanilang pagkikita ang kanilang kaibigang talent manager na si Oliver Carnay.

“Nagkita kami sa Yard House dito sa L.A. Kami ay nagkahuntahan,” banggit ni Ogie.

“Nung magkita kami, nagyakapan kami. Wala nang ano. Walang sorry, walang ano. Yakapan.”

Na-touch daw si BB dahil nag-effort si Ogie na kitain siya.

Sinabi naman daw ni Ogie kay BB na wala talaga siyang galit sa puso, kahit na “inookray” siya nito.

Kuwento pa ni Ogie, “Sobrang-sobra kaming ano… alam mo na yung magkapatid na matagal hindi nagkita at na-miss ang isa’t isa? Ganoon ang yakapan namin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hiniling daw ni BB kay Ogie na walang camera sa kanilang pagkikita.

“Nag-usap kami almost two hours. Nakakaloka! Tsikahan lang kami nang tsikahan," sabi ni Ogie.

ogie diaz bb gandanghari

OGIE DISHES OUT SCENES ON MEET-UP WITH BB

Ikinuwento rin ni Ogie ang mga eksena sa pagkikita at pag-uusap nila ni BB.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagkalabasan sila ng sama ng loob, pero mahihinuha sa kuwento ni Ogie na kuwela nila itong pinag-usapan ni BB.

“Sabi ko, ‘Hoy, ha, ako ano mo, tinitira mo ako,’ sabi ko sa kanya. ‘Ikaw, ano, ha, di naman kita tinitira.’

“'Anong hindi, kinokontra mo nga lahat ng sinasabi ko.’

"Sabi ko, ‘Kinokontra kita, pero hindi kita sinisiraan.’

“’Tapos sabi ni BB, nakakaaliw ding kausap si BB, ‘E, sinabihan mo ako hindi ako sikat,’” at saka humalakhak si Ogie.

Sabi naman daw ni Ogie kay BB, “Sabi ko, ‘Ano ka ba, ako nga sinabihan mong bobo.’

“’Tapos tawanan lang kami nang tawanan.

“Alam mo yung ganun, na parang na-miss namin ang isat isa.”

Pinag-iisipan pa raw ni BB kung magpapa-interview siya kay Ogie.

Mananatili raw si Ogie sa U.S. hanggang sa June 13, at babalik sa Pilipinas kinabukasan.

PLAN TO MANAGE BB

Naibahagi rin ni Ogie na nangungulila si BB sa kanyang inang si Eva Cariño.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpaplano raw umuwi ni BB, pero titiyakin muna nitong may trabaho siya para masulit ang kanyang oras sa Pilipinas.

Ani Ogie, “Gusto niyang umuwi pero pag umuwi siya, gusto niya meron siyang work.

"Para hindi naman pag-uwi niya, e, dalaw lang siya ‘tapos for how many months wala siyang ginagawa."

Nag-volunteer daw si Ogie na hahanapan niya ng proyekto si BB, at may posibilidad na maging manager siya nito pagdating sa Pilipinas.

“Ako magiging ahente niya o agent niya dito, o di ba?” ani Ogie.

“Parang kelan lang nagbabangayan, pero ngayon sabi ko, ‘Oo, puwede kitang i-manage.’

“Sabi ko, ‘Pero wala muna tayong kontrata, kasi gusto ko kapag meron ka nang tiyak na proyekto doon kita ikokontrata.'”

Samantala, tuwang-tuwa raw si BB sa pagkapanalo ng kanyang kapatid na si Robin Padilla bilang senador nitong katatapos na eleksyon.

Pinasalamatan daw ni BB si Ogie sa pagtulong nito kay Robin. Sina Ogie at Robin ay magkumpare.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE OGIE-BB RIFT

Noong September 2020, nagsalita si BB tungkol sa kanyang “romantic encounter” sa isang sikat na local male celebrity.

Nangyari raw ito sa U.S. noong 2001.

Pinuna noon ng mga batikang artista at entertainment columnist si BB, gaya nina Ogie, Lolit Solis, Cristy Fermin, at Ai-Ai delas Alas.

Nagkapalitan ng maaanghang na salita si BB at mga pangalang nabanggit.

Sa kani-kanilang vlogs at social media accounts, maaanghang ng salita rin ang ibinato nina Ogie at BB sa isa’t isa.

Tinawag pa ni BB na “sinungaling” si Ogie.

Noong November 2021, gumawa ng vlog si BB at nagkomento ukol sa napaulat na paghihiwalay ng pamangking si Kylie Padilla at ni Aljur Abrenica.

Payo ni BB sa mag-asawa, “Keep your dirty linen in the washroom.”

Pero nagkomento rito si Ogie sa kanyang vlog at sinabing dapat ay ipinayo ito ni BB sa sarili, na inakusahan nilang in-out umano ang local celebrity na naka-romantic encounter niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gumanti si BB at gumawa ng follow-up vlog para kastiguhan si Ogie at tinawag niyang “zero credibility."

Read also:

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ogie Diaz on meeting BB Gandanghari in the U.S. “Nag-usap kami almost two hours. Nakakaloka! Tsikahan lang kami nang tsikahan.”
PHOTO/S: YouTube (Ogie Diaz Showbiz Update)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results