Maymay Entrata on boyfriend: "Ganito pala ang feeling na ako naman yung priority."

by Rachelle Siazon
Jun 9, 2022
Maymay Entrata, Aaron Haskell
Maymay Entrata on boyfriend Aaron Haskell: "Ang maganda dun, pag consistent yung taong nagmamahal sa iyo, araw-araw kang napo-fall, hindi lang sa umpisa... Lahat ng need ko sa isang guy na ipinagpre-pray ko, binigay ng Panginoon."
PHOTO/S: @maymay Instagram

Lubos ang saya ni Maymay Entrata, 25, dahil napatunayan daw niya ang pagmamahal ng foreigner boyfriend sa loob ng ilang buwang nanatili siya sa Canada.

Bukod sa pag-aaral niya sa isang acting school, doon sa Canada nakabase ang foreigner boyrfriend niya na si Aaron Haskell.

READ: Maymay Entrata discloses relationship with foreigner; Luis tells Maymay, "Ipakilala mo naman sa akin."

"Very mature na siya, sobrang madiskarte siya sa buhay, very mapagmahal sa family.

"Awww... Napaka-caring niya talaga, hindi lang sa salita, pati sa gawa," kinikilig na sambit ni Maymay sa Star Magic Inside News na umere sa YouTube kagabi, June 8, 2022.

Patuloy niya sa paglalarawan sa nobyo: "Ang maganda dun, pag consistent yung taong nagmamahal sa iyo, araw-araw kang napu-fall, hindi lang sa umpisa.

"Oh my god! Ganito pala ang feeling na ako naman yung priority."

Early January 2022 nang mag-post si Maymay na siya ay nasa Canada, at kababalik lang niya sa Pilipinas noong Mayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang isa sa mahirap i-explain araw-araw yung nangyayari. Ta's napakalaking [difference] yung mag-meet kayo in person kasi andun lang siya.

"Di mo kailangan i-explain [yung araw mo] kasi nakikita niya kung anong ginagawa mo."

Hindi raw kasi likas sa kanya iyong detalyadong magkuwento kung ano ang mga aktibidades niya sa isang araw.

Pero pagdating kay Aaron, mas natututo raw siya mag-express ng sarili.

"Ganun, e, commitment, e. Kapag pumasok ka sa relationship, dapat committed ka. Yun ang natutunan ko.

"Lahat ng ginagawa ko dapat alam niya, desisyon niya... kasi ganun din ginagawa niya.

"Lahat ng need ko sa isang guy na ipinagpre-pray ko, binigay ng Panginoon. At yun ang thankful ako araw-araw," kinikilig na dagdag ni Maymay.

Maymay Entrata's boyfriend

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON LONG-DISTANCE RELATIONSHIP

Ngayong nandito siya sa Pilipinas, balik ulit sila sa regular na pagbi-video call.

"Natural na sa amin yung leave the phone on. Kahit natutulog ako, andiyan lang siya nagtratrabaho," ani Maymay.

Pero aminado siyang malaking hamon ang pagpasok sa long-distance relationship.

Paliwanag ng dalaga, "Ang hirap pala. Kahit na iwasan mo na parang movie, pupunta ka dun, OA [sa pag-iyak].

"Alam mo yung mas masakit kasi alam mong inalagaan ka nang maayos, inilagaan niya yung puso mo...

"Dun ako masyado nasaktan kasi medyo nag-depend na ako sa kanya dun sa feeling mo na secure ka."

FUTURE GOAL

Ganunpaman, malinaw raw kina Maymay at Aaron na seryoso sila sa isa't isa at pangarap nila ang makasal sa tamang panahon.

"Siyempre pag pumasok ka sa relationship, ano ba yung goal? Siyempre sa panghabambuhay, di ba? Yun ang goal namin.

"Kahit ano mangyari, kahit saan kami magpunta, alam natin na tayo para sa isa't isa hanggang sa huli."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mensahe pa niya para sa nobyo, "You know that I care for you so much because of the way you care for me.

"The greatest blessing I ever received aside from my family is you."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maymay Entrata on boyfriend Aaron Haskell: "Ang maganda dun, pag consistent yung taong nagmamahal sa iyo, araw-araw kang napo-fall, hindi lang sa umpisa... Lahat ng need ko sa isang guy na ipinagpre-pray ko, binigay ng Panginoon."
PHOTO/S: @maymay Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results