PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jelai Andres bawls over loss of pet dogs: "Bakit naman nilason niyo?"

Jelai Andres: "May nanlalason ng aso sa subdivision namin."
by Rachelle Siazon
Published Jun 10, 2022
Jelai Andres
Jelai Andres on pet dogs Kitty and Neko who were found dead somewhere in her family's neighborhood: "May nanlalason ng aso sa subdivision namin... Walang kalaban-laban yung aso... Parte po ng pamilya yung mga alaga ko. Huwag niyo po patayin."
PHOTO/S: Jelai Andres YouTube

Napahagulgol si Jelai Andres nang magising siya sa balitang pumanaw ang dalawang alagang aso ng kanyang pamilya.

Sa YouTube vlog ni Jelai noong Miyerkules ng gabi, July 8, 2022, makikitang bagong gising siya at napabalikwas lang ng kama nang dumating ang dalawang kapatid niyang babae.

Malinaw na nakahiwalay ng tirahan si Jelai sa mga kapatid kaya hindi alam ni Jelai ang nangyari sa pet dogs nilang sina Neko at Kitty.

Dala ng mga kapatid ni Jelai ang dalawang urn ng cremated ashes nina Neko at Kitty na nilason diumano ng di kilalang suspect.

Ayon sa kapatid ni Jelai, nakalabas ng gate si Kitty na tila aligaga sa di malamang dahilan.

"Nagmadali siya umuwi. Kahit gumugulong siya sa kalsada... Tapos nung di na siya makabangon, 'Kitty, ano nangyayari sa iyo?'

Iyon pala ay hinahanap ni Kitty ang anak nitong si Neko.

Hinala ng kapatid ni Jelai, nilason ang mga aso dahil ang isa pa nilang aso na si Whitey ay nakita raw nitong bumubula ang bibig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero dahil malakas ang resistensiya ay di raw namatay si Whitey.

"Pinatay niyo yung aso namin. Bakit naman nilason niyo?" tumatangis na bulalas ni Jelai.

Na-cremate at naiburol sina Kitty at Neko nang hindi nakikita ni Jelai.

Humahagulgol pa ring sabi ni Jelai sa dalawang kapatid, "Di ko na sila nakita. Ba't di niyo ako tinawag?"

Sagot ng mga kapatid ng YouTuber-vlogger, alam daw ng mga ito na maghi-hysterical siya at baka mahirapan lang magmaneho papunta ng family home nila.

Jelai Andres

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ: Jon Gutierrez charged with concubinage for alleged betrayal of wife Jelai Andres

HEARTBROKEN JELAI

May bahagi rin ng vlog na nagpunta si Jelai sa family home nila para bisitahin ang iba pa nilang mga alagang aso.

Masayang nakipaglaro si Jelai sa mga ito, pero maya-maya pa ay naiyak uli dahil sa pangungulila kina Kitty at Neko.

Pahayag pa ni Jelai: "Walang kalaban-laban yung aso... Lahat kami buong pamilya nakatulala lang.

"Parte po ng pamilya yung mga alaga ko. Huwag niyo po patayin. Hindi naman makakalaban.

"Ang sakit talaga. Hindi ko pa sila nakita. Di ko alam papaano matanggal sa utak ko.

"Isipin ko na lang na magiging tao na sila... para may isinagip silang buhay."

ALLEGED DOG KILLER ON THE LOOSE?

Sa huli, umapela si Jelai na sana ay matulungan sila ng Pawssion Center, isang animal shelter sa Bulacan, at The Philippine Animal Welfare Society, isang NGO na layuning magprotekta sa kapakanan ng mga hayop.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Meron din nalason sa kabilang street at sa isa pang kabilang street. May nanlalason ng aso sa subdivision namin.

"Kung sino makakatulong sa amin, tulungan niyo naman kami."

Mensahe niya para sa alleged dog killer: "Kung target niyo ang stray dogs, hindi yung stray ang napatay niyo... Kahit naman stray iyan, inaampon nga namin yung mga stray, e.

"Bakit niyo papatayin kung sila nga ang target niyo or what?"

Napamura pa si Jelai habang pilit na pinapakalma ang sarili, "Ewan ko, galit na galit ako."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jelai Andres on pet dogs Kitty and Neko who were found dead somewhere in her family's neighborhood: "May nanlalason ng aso sa subdivision namin... Walang kalaban-laban yung aso... Parte po ng pamilya yung mga alaga ko. Huwag niyo po patayin."
PHOTO/S: Jelai Andres YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results