“All’s well that ends well,” komento ng isang netizen ngayong nagkaayos na si Sharon Cuneta at si Senator Tito Sotto kasama ng kanyang pamilya.
Nagkalamat ang relasyon ng pamilya ni Sharon at ni Sen. Tito dahil sa katatapos lang na national elections.
Magkatunggali ang asawa ng Megastar na si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan at si Sen. Tito para sa pagka-bise presidente.
Pareho silang hindi pinalad dahil ang nanalo ay si Vice President Inday Sara Duterte.
Sa simula pa lang ng election season, katulad ng pagsusumite ng Certificate of Candidacy, kinumpirma mismo ni Sharon via social media post na naapektuhan ng election rivalry ang relasyon ng kanyang pamilya at ng pamilya ni Sen. Tito.
Si Sharon ay anak ng namayapang si Elaine Cuneta, kapatid ni Helen Gamboa, ang butihing maybahay ni Sen. Tito.
Si Sharon ang itinuturing na “panganay” nina Tito at Helen dahil close sila.
SHARON RECONCILES WITH TITO AND FAMILY
Ngayong gabi ng Sabado, June 11, nag-post si Sharon ng mga larawan kasama ang pamilya Sotto.
May photo si Sharon kasama si Sen. Tito, Helen, at mga babaeng anak ng nina Tito at Helen na sina Apples, Lala, at Ciara Sotto.
Simple lamang ang captions ni Sharon, pero sapat na ito para ipahiwatig na nagkasundo na siya at ang pamilya ni Sen. Tito ngayong tapos na ang eleksyon.
"Mama," caption niya sa photo nila ni Helen at "Daddy" ang caption sa picture nila ni Sen. Tito.
"My sisters and me. Tonight," caption ni Sharon sa photo niya kasama ang mga anak na babae nina Helen at Tito.
Sa comments ng post ni Sharon ay mababasa naman ang kasiyahan ng kanyang followers ngayong nagkabati-bati na sila.
THE SHARON-SOTTO FAMILY RIFT
Sa Instagram post ng Megastar noong October 2021, sinabi nitong naipit siya dahil ang dalawang lalaking mahal niya—ang asawang si Kiko at tiyuhing si Tito—ay magkatunggali sa eleksyon.
“I do not know what I could have done so wrong to find myself in the midst of two rocks,” bahagi ng post noon ni Sharon.
Hiling noon ni Sharon na sana ay magkaayos sila pagkatapos ng eleksyon.
"I pray that after this game called politics is over, that wounds are healed, loved ones do not doubt your love for them, and I and my sisters, especially, the only family I have left besides my own, find our way back to one another’s arms, unscathed and free of the pain our battlescars have brought us.”
Kasunod nito, inamin ni Ciara na nasaktan siya sa pagtatapat ng kanyang amang si Tito at ni Kiko.
“I cried because I am so hurt and disappointed,” ani Ciara sa panayam ng PEP.ph.
"It made me feel that my parents were of no value after all.
“Ate [Sharon] has always been considered and treated like a daughter by my dad and especially my mom.
"I will continue to pray for them, and of course, for my dad and his protection, wisdom, discernment, and I praise and thank God for giving me him as my earthly father."
Samantala, sa isang campaign rally noong May 7, 2022, nagsalita si Sharon sa pangangampanya ng political team ng asawa.
Sa kanyang speech, ipinarating ni Sharon ang kanyang pagmamahal kay Tito dahil aniya, nagkita raw sila nito at nagyakapan.
Mensahe ni Sharon kay Tito, “Thank you for embracing me when I saw you.
“Thank you for saying, 'I love you' back. I love you very much, Dad, but this has been... I hope it doesn’t divide our family, our families.
"Mama Helen, the only peace I find in my heart is that you would have done the exact same thing for daddy if you had been in my shoes.
"After all, you raised me also, and I am so much like you coz I am your eldest. I love you very much and I miss you.
"My sisters, I miss you and love you will all my heart,” sabi ng naging emosyonal na si Sharon pagtukoy kina Ciara, Apples, at Lala.
