JK Labajo moves on from breakup with Maureen Wroblewitz

by Arniel C. Serato
Jun 12, 2022
JK Labajo moves on from breakup
Singer JK Labajo and model-turned-beauty queen Maureen Wroblewitz mutually decided to end their relationship after almost three years of being together.
PHOTO/S: Courtesy: @juankarlos on Instagram

Naka-move on na si JK Labajo sa hiwalayan nila ng nobyang si Maureen Wroblewitz.

Sa Instagram kagabi, June 11, nag-post si JK ng selfie niya kung saan mapapansing bagong gupit ang singer.

Sabi lang niya sa caption: “to new beginnings [heart emoji]”

View this post on Instagram

A post shared by juan karlos (@juankarlos)

Noong Biyernes lamang, June 10, inanunsiyo ni JK ang hiwalayan nila ni Maureen.

READ: JK Labajo and Maureen Wroblewitz break up

Halos tatlong taon ding tumagal ang relasyon nila na naging public noong 2019.

Mukha namang mutual ang hiwalayan nila dahil maayos ang sagutan nila ng mensahe sa Instagram.

Pero, hindi nila binanggit ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

Para naman daw sa kanilang "personal growth" ang paghihiwalay nila ng landas dahil mga bata pa sila.

Si JK ay 21 lamang at si Maureen ay 23.

Sabi pa ni JK, mula sa pagiging "magka-ibigan" ay "matalik na magkaibigan" na sila ngayon ni Maureen.

Kahit ano raw ang mangyari ay si Maureen pa rin ang kanyang “buwan,” na hango sa sikat niyang kanta na may kaparehong titulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Buong mensahe niya para sa dating kasintahan: “Magka-ibigan na ngayo’y matalik na magkaibigan.

"Lagi mong tandaan na kahit pagbaliktarin mo man ang mundo, kahit saang lupalop man ng kalawakan, ikaw parin ang nagiisa kong buwan.

"Maraming salamat, mahal kita, at hanggang sa muli. [heart emoji]”

View this post on Instagram

A post shared by juan karlos (@juankarlos)

Sa isang hiwalay na komento, pinapurihan ni JK si Maureen.

Ayon sa "Buwan" singer, siya ang pinakamasuwerteng lalaki sa mundo dahil sa ilang taon nilang pinagsamahan bilang magkarelasyon.

Marami raw siyang natutunan sa dating girlfriend.

Aniya, “I am the luckiest person in the world to have spent the past years of my life with you and I wouldn’t choose anybody else to have spend those years with.

“You’ve taught me so much and I have learned, I am learning, and I will learn more. We are both so young and we have to enjoy ourselves. I want to see you succeed.

“I love seeing you achieve your dreams. You will. We will. Here’s to growth and love for ourselves. For there is no greater love than self-love."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer JK Labajo and model-turned-beauty queen Maureen Wroblewitz mutually decided to end their relationship after almost three years of being together.
PHOTO/S: Courtesy: @juankarlos on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results