Ibinida ni Barbie Imperial ang kanyang friendship kay Sandro Marcos sa latest vlog ng aktres.
Si Barbie ay isa sa mga sumisikat na ABS-CBN actress.
Si Sandro ay Ilocos Norte representative-elect at anak ni President-elect Ferdinand Marcos Jr.
Sa June 11, 2022 vlog ni Barbie, nag-prank call siya sa ilang malalapit na kaibigan.
Ang script kunwari ni Barbie ay nalaman niyang isa pala siyang ampon at tatanungin ang mga kaibigan kung maaari siyang tumuloy muna sa bahay ng mga ito.
Isa sa tinawagan ni Barbie si Sandro.
Pero bago niya ito tawagan ay may pasintabi si Barbie.
Aniya, “Ito yung pinaka kinakabahan ako na i-prank kasi, siyempre, friend ko ito and… respect, respect, okay… Sandro Marcos, one of my close friends.”
Pagkasagot ni Sandro sa tawag ni Barbie, nagkumustahan muna sila at saka sinabi ng aktres ang kanyang kunwaring nalaman na ampon siya at umalis sa kanilang bahay.
Tinanong din ni Barbie si Sandro kung puwede siyang tumuloy sa bahay nito.
Hindi agad nakasagot si Sandro pero mahihinuhang nakumbinsi siya sa arte ni Barbie.
Sa huli, sinabi ni Sandro na puwedeng tumuloy at matulog si Barbie sa kanilang guest room.
Base sa kanilang pag-uusap ay mahihinuhang sobrang kumportable nila sa isa’t isa, patunay ng kanilang pagkakaibigan.
Nang makuha na niya ang reaksiyon ni Sandro ay saka ipinaalam ni Barbie na pina-prank niya lang ito.
“You’re so annoying!” maririnig na reaksiyon ni Sandro, habang humahalakhak si Barbie.
Pagmamalaki naman ni Barbie: “Guys, ang bait ni Sandro Marcos, sobrang bait ng kaibigan ko na ito.”
Kasunod nito ay nagpaalaman na ang dalawa, habang maririnig pa rin si Sandro na nagulat sa prank ng aktres
Bukod kay Sandro, ang iba pang na-prank call ni Barbie ay sina Chie Filomeno, Tony Labrusca, Ricci Rivero, at Carlo Aquino.
