Hindi nagpatinag si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo at nobyong si Jeric Gonzales sa mga bali-balitang hiwalay na sila.
Noong Lunes, June 13, 2022, usap-usapan sa social media ang akusasyon ng ilang netizens ang diumano'y panloloko ni Jeric kay Rabiya.
Kasabay nito ay kumalat ang ilang litrato ni Jeric kunsaan may cozy photos ito kasama ng isang di kilalang lalaki na inuugnay ng netizens sa aktor. Kabilang sa mga larawang kumalat ang naghahalikan sila.
May mga netizen na kumuwestiyon kay Jeric, at pati na sa relasyon nila ni Rabiya.
Pero may ilan ding tagapagtanggol si Jeric na nagsasabing hindi dapat bigyang malisya ang kumalat na photos ni Jeric dahil eksena lamang daw iyon sa indie film ng aktor noong 2020.
Sa kabila ng iba-ibang espekulasyon sa social media, deadma ang magkasintahan sa isyu.
Pasado alas dose ng hatinggabi nitong June 14, 2022, nag-post si Rabiya ng sweet moment nila ni Jeric.
Gumawa si Rabiya ng GIF kunsaan masuyo niyang hinawakan sa baba ang nobyo at masuyong inilapit naman ni Jeric ang mukha sa kanya.
"Late date night" ang nakasaad na written text sa Instagram Story na iyon ni Rabiya.
Ni-repost din ito ni Jeric sa kanyang Instagram Story.

Kung ito ang pagbabasehan, tila going strong ang relasyon ng dalawa.
RABIYA'S CRYPTIC POST
Noon lamang May 29, 2022 ay nagpakawala si Rabiya ng malamang mensahe na tila napuno na siya sa waring personal na isyung pinagdadaanan niya.
Sabi sa quote card sa kanyang Instagram: "I owe myself the biggest apology for putting up with what I didn't deserve."
Sa comments section, may ilang kaibigang beauty queens si Rabiya ang nagpaabot ng comforting words sa kanya.
At sumagot din naman si Rabiya na kailangan niya ng makakausap, at waring siya ay namumroblema base sa crying emojis na inilagay niya sa kanyang reply sa mga kaibigan.
Bagamat walang direktang sinabi si Rabiya kung ano ang hugot niya, hindi maiwasang mag-iwan ng katanungan kung may kinalaman ito sa love life niya.
alleged breakup last february?
Sa hiwalay na ulat ng PEP Troika noong Marso 17, 2022, nakasaad ang impormasyon mula sa source na minsang nagkalabuan sina Rabiya at Jeric.
Ayon sa source ng PEP Troika, nagkalabuan ang couple bago mag-Valentine's Day noong Pebrero 2022.
Pero kung anuman ang diumano'y alitan ng mga ito noon ay naayos din sa huli.
March 16, 2022 nang umamin sina Jeric at Rabiya na sila ay nagmamahalan at isinapubliko nila sa kani-kanilang Instagram ang matatamis nilang ngitian at akbayan nang sila ay magbakasyon sa Bohol.
Read: Rabiya Mateo, Jeric Gonzales confirm they are now a couple
Ito ay matapos ang higit-kumulang tatlong buwan mula nang kumalat sa social media ang paparazzi photos ng kanilang lambingan sa iba-ibang okasyon.
Read: Rabiya Mateo and Jeric Gonzales now in a relationship?
Sa kasakuluyan, walang direktang pahayag sina Rabiya at Jeric sa mga isyung dinaanan nila.
Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag na nais ihayag ng mga nabanggit sa artikulong ito.
