PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kontrobersiyal: Pagsuot ng bahag ng Man of the World 2022 candidates

May pahayag ang National Commission on Indigenous Peoples.
by Bernie V. Franco
Published Jun 15, 2022
man of the world 2022
Sina Mr. Philippines Nadim Elzeim (left) at Mr. Netherlands Tjardo Vollema sa swimsuit presentation ng Man of the World 2022 pageant kamakailan na naging kontrobersiyal dahil sa paraan ng pagsuot nila ng bahag.
PHOTO/S: YouTube (The Demigods Blog)

Mainit na usapin ngayon sa social media ang paraan ng pagsusuot ng bahag ng contestants ng male beauty pageant na Man of the World 2022.

Puna ng mga indigenous people ng Cordillera, mali ang paraan kung paano ito isinuot ng contestants para sa swimsuit competition.

Para sa mga taga-Cordillera, kawalan ng respeto umano ito sa kanilang tradisyunal na kasuotan.

Ang Man of the World 2022 pageant ay ginaganap ngayon sa Pilipinas.

Sa swimsuit presentation noong June 11, 2022, pagpasok ng mga kandidato sa entablado, mapapansing ayon sa tradisyon ang paraan ng pagsuot nila ng bahag.

Pero pagdating sa gitna ng entablado, inangat ng mga kandidato ang telang takip sa harap at likod at inipit sa gilid.

Naging mapangahas ang itsura ng kandidato dahil kakaunting tela na lamang ang nakatakip sa pribadong bahagi ng kanilang katawan.

man of the world

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mister Malaysia Aiman Minsi during the swimsuit presentation ng Man of the World 2022.

Maraming netizens ang nag-react sa social media at pinuna ang maling paraan ng pagsuot sa bahag.

Kinabukasan, June 12, naglabas ng reaksiyon ang organizers ng beauty pageant, ang Ray-Casa Group na pinangungunahan ng chairwoman nitong si Jennylyn Floresca.

Katwiran ng organizers, mayroon silang eksperto sa team, may mga production members na may lahing Igorot, at ang ginawa nila ay “properly communicated with the NCIP at mayroon daw silang cultural consultant.”

Noong araw ding iyon, ang NCIP o National Commission on Indigenous Peoples ay naglabas ng statement kung saan kinontra nila ang sinabi ng organizers na may basbas nila ang ginawang paraan ng pagsuot ng contestants ng bahag.

Iginiit ng NCIP na nagbigay sila ng kondisyon sa organizers na dapat ay isuot nang tama ang bahag.

Sa official statement na pirmado ni NCIP Regional Director Atanacio Addog, sinabi ring walang konsultasyong naganap, puwera na lang daw kung ang tinutukoy ng isa sa organizers ay "another Director from NCIP.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil dito, nanawagan ang NCIP sa organizers ng pageant na magbigay ng kongkretong paliwanag sa nangyari.

Nais nilang ipaliwanag ng organizers ang katwiran nilang paraan ng pagsuot ng bahag na aprubado ng kanilang “supposed cultural consultant.”

Hindi raw nila ipagkikibit-balikat ang puna ng mga taga-Cordillera.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sina Mr. Philippines Nadim Elzeim (left) at Mr. Netherlands Tjardo Vollema sa swimsuit presentation ng Man of the World 2022 pageant kamakailan na naging kontrobersiyal dahil sa paraan ng pagsuot nila ng bahag.
PHOTO/S: YouTube (The Demigods Blog)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results