Hindi naging maganda ang dating kay Miel Pangilinan ng komento ng isang netizen na sana raw ay "fake news" o walang katotohanan ang balita tungkol sa kanyang pag-aming siya ay "queer."
“Insanely offensive” daw ito para sa pangalawang anak nina Sharon Cuneta at Senator Kiko Pangilinan.
Read: Miel Pangilinan comes out as member of the queer community
Sa Twitter ngayong araw, June 15, 2022, ibinahagi ng nakatatandang kapatid niyang si Frankie Pangilinan ang screenshot ng sagot ni Miel sa umasang "fake news" lang ang kanyang nabasa tungkol sa pag-come out nito.
Nagpasintabi rin si Frankie sa kanyang caption ukol sa umano’y “homophobes” o mga taong may disgusto sa gay people.
Tila ginawang pulutan kasi ng ilang netizens sa social media ang balitang pag-amin ni Miel na miyembro siya ng LGBTQ+ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer) community.
Ayon kay Frankie, sana ay suportahan ng netizens ang kapatid sa pagiging malaya nito kahit ngayon lang.
Sabi ni Frankie, “pls give yellie some love today if u can! there are some homophobes in her inbox and mentions upset abt her pride post”

Sa kalakip na screenshot, mababasang hindi nagustuhan ni Miel ang komento ng isang netizen tungkol sa kanyang pag-amin.
Sabi ng netizen: “Bash me, honestly upon reading this, my heart breaks. [broken heart emoji]. Sana fake news lang ito. But I commend you @mielpangilinan for being so brave to come this early.”

Tugon ni Miel, pasensiya na raw kung nadurog ang puso ng netizen dahil sa kanyang pag-come out.
Kung para sa netizen ay nakakadurog ito ng puso, hindi naman para kay Miel.
Biro pa nga niya, “Lmaoo” o “laughing my ass off obviously.”
Buong sagot ni Miel: “This early?? Lmaoo I’m so sorry your heart is broken but unfortunately it’s true, I am queer.
"I’m so sorry you think that news like this is heartbreaking to you, but it isn’t to me.
"I am so sorry that the news of my coming out is so painful for your heart to bear."

“INSANELY OFFENSIVE”
Hindi pa roon nagtapos ang pagbuwelta ni Miel sa netizen.
Tila ayaw raw nitong maging malaya siya sa mga bagay na gustong gawin bilang LGBTQ member.
Nakakainsulto raw ito masyado sa kanya.
Kahit pinuri siya ng netizen sa kanyang katapangang umamin, wala raw itong halaga dahil hindi niya kailangan ng pahintulot mula sa iba kung aamin ba siya o hindi.
Pahayag ni Miel: “The fact that you’re wishing that my COMING OUT is fake news is insanely offensive to me.
“No amount of your commendation of my bravery will cancel out the fact that you wish I wasn’t actually queer—which doesn’t change anything, anyway.
“Your approval whether I have it or not literally does not matter to me.”
Umaasa naman si Miel na ang mga taong tulad ng nagkomento ay maging mapang-unawa. Kung hindi, wala raw karapatan ang mga itong magkomento sa kanyang posts sa social media o sa mga grupong kasali siya.
Sabi niya, “I truly hope that you learn to be a more tolerant person and if you don’t you have no place in my comments section or in any of the communities I’m a part of.”

Samantala, naghayag ng suporta sina Sharon at Kiko sa pagpapakatotoo ni Miel.
Proud ang mga ito sa ginawang katapangan ng anak na umamin sa kanyang totoong gender preference.
Read: Sharon Cuneta, Kiko Pangilinan wholeheartedly support daughter Miel's coming out
Ginawa ni Miel ang pag-come out kagabi, June 14, kung saan sa buwan ding ito ipinagdiriwang ang Pride Month.
Read: Miel Pangilinan comes out as member of the queer community
