Ikinatuwa ng social media content creator turned TV personality na si Yukii Takahashi na sunud-sunod ang proyektong ginagawa nito.
Dalawang movie projects daw ang pinagkaabalahan ni Yuki nitong mga nakaraang buwan.
Pero ayon sa 19-year-old TikTok star, "Hindi pa puwedeng sabihin."
Masaya si Yukii dahil ang pagiging aktres talaga ang dahilan kung bakit ito pumasok ng showbiz.
Patuloy nito, "Pero abangan niyo na lang kasi may naka-work akong magagaling na artista. It’s really my dream to be an artist. Papunta na tayo dun sa path na gusto ko talaga…sa exciting part."
Iba't ibang side daw ni Yukii ang kanyang pinakita sa mga upcoming movie projects nito.
"Pinakita ko yung side na kabaklaan ko kasi bakla talaga ako.
"Depende talaga kung sino kausap ko pero pinakita ko yung kabaklaang side ko as well as yung emotional side ko and palaban ko parts."
Bukas ang pinto ni Yukii para sa lahat ng proyekto, ngunit nang matanong kung handa rin ba siyang sumabak sa pagpapasexy, mabilis na sagot ng young star, "I’m not ready to do that!"
Pagdating naman sa pagkakaroon ng ka-love team, sabi nito, "Let’s see kung meron po kasi I’m really open about anything naman, e. Pero yung sexy, no muna."
Nakausap si Yukii ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press noong nakaraang Linggo, June 12, 2022, sa grand mediacon ng Top Class: the Rise to P-Pop Stardom sa Makati City.
Read also: Catriona Gray gives advice to Top Class trainees
YUKII TAKAHASHI ON HOSTING
Bukod sa kanyang movie projects, magiging busy na rin si Yukii bilang co-host sa upcoming TV5 talent search na Top Class: The Rise to P-Pop Stardom with Miss Universe 2018 Catriona Gray and actor Albie Casiño
Sa singing competition na Sing Galing unang napakita ni Yukii ang kanyang husay sa pagho-host.
Sa ngayon, masugid na pinaghahandaan ni Yukii ang pagiging pagiging bahagi nito ng Top Class lalo't aminado ito na baguhan siya pagdating sa hosting.
Aniya, "Pinaghahandaan ko pa rin siya hanggang ngayon kasi dapat hindi tayo magse-settle, di ba? Dapat keep growing and keep learning po as a host.
"But now, I’m still training for the co-hosting, and, I think, medyo comfortable ako kasi ako ito, e, like, bubbly talaga ako and maingay talaga ako.
"And yung work ko naman is pasayahin sila [yung audience] and to cut off yung mga, kunyare nagkakaroon na ng mga problema, so I’m there for them."
Malaki rin daw ang tulong ni Albie sa kanya bilang co-host nito sa nasabing talent search ng Kapatid network.
Kuwento ni Yukii, "First time ko lang siya maka-work pero sobrang naging happy ako kasi talagang yung chemistry namin, parang matagal na kaming magkakilala and how much more in the long run, di ba?
"I’m so happy to work with him and he helps me a lot when it comes to hosting.
"Matagal na kasi siya sa show business and ako, baguhan pa lang and still learning, still learning."
YUKII TAKAHASHI ON TOP CLASS TRAINEES
Buo rin ang suportang ipapakita ni Yukii sa lahat ng trainees ng Top Class lalo't madalas niyang makakasalamuha ang mga ito.
Kabilang sa Top Class trainees si Niko Badayos na isa rin sa mga "Singtokers" na kasama ni Yukii sa Sing Galing.
Pahayag nito sa pagsali ni Niko sa kompetisyon, "As a friend, nakakatuwa na… Hindi ko talaga alam na nag-join siya.
'And then nakita ko lang na nag-join siya nung total na sila, like, yung finalist na.
"And I’m so happy to see him na matupad yung pangarap niya kasi gusto talaga niyang maging part ng P-Pop community.
"So I’m very very excited for his journey and as well as yung magiging success and learnings na makukuha niya."
Kahit na malapit na kaibigan nito ang isa sa mga trainees, nangako naman si Yukii na hindi ito magpapakita ng favoritism or bias sa mga trainees bilang co-host ng Top Class.
Sabi niya, "Knowing me as person, hindi talaga ako marunong mag… Lalo na if competition siya, parang unfair sa isang tao kung magkakaroon ako ng bias.
"If ever naman na may gusto ako na contestant, hindi ko naman siya ia-out. Like, hindi ko naman magiging problema yun sa work ko para mas comfortable sila."
Si Yukii ay nagsimula bilang isang TikTok content creator. Kasalukuyan siyang may 8.2 million followers sa nasabing social media app. Kamakailan ay na-launch bilang bahagi ng "Gen C" talents ng Cornerstone.
READ MORE: