PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bugoy Carino reveals he and EJ Laure almost had an abortion

"...ang aga pala talaga. So parang nawala lahat sa akin..."
by James Patrick Anarcon
Published Jun 19, 2022
Bugoy Carino
Bugoy Carino admits initial thoughts about having his baby with EJ Laure aborted. However, he realized, "Baby na siya, tao na. Kapag ipinalaglag ko pala ito, parang ito yung isa sa pinakamalaking kasalanan na magagawa ko sa buhay ko."
PHOTO/S: Karen Davila Vlog

TW: Abortion

Sa unang pagkakataon ay ikinuwento ng dating child actor na si Bugoy Carino ang pinagdaanan niya nang mabuntis ang girlfriend na si EJ Laure.

Si Bugoy, 19, ay produkto ng ABS-CBN talent search na Star Circle Kid Quest noong 2009, kung saan siya ang itinanghal na winner.

Pagkatapos nito ay nabigyan siya ng maraming proyekto sa Kapamilya network. Isa dito ay ang title role sa 2012 prime-time series na E-Boy.

Nang magbinata ay ni-reinvent ng Star Magic ang image ni Bugoy bilang isang young teen heartthrob kaya noong 2017, isinali siya bilang bahagi ng It’s Showtime boy group na Hashtags.

Subalit noong December 2017, huminto ang sana’y papaimbulog na karera ni Bugoy nang mawala siya sa It’s Showtime.

Ayon sa mga bulung-bulungan noon, sinuspinde si Bugoy sa programa dahil diumano’y nabuntis niya ang girlfriend na si EJ.

Sixteen years old lamang noon si Bugoy.

Samantala, Si EJ, 24, ay isang volleyball star player ng UST Golden Tigresses. Taong 2014, tinagurian siyang Rookie of the Year ng UAAP Season 77. Noong 2016, naging bahagi siya ng Foton Tornadoes para sa Philippine Super Liga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong 2017, nag-beg off si EJ na makasali sa UAAP Season 82 dahil sa kanyang “chronic shoulder injury.”

Dito lumabas ang balitang maaaring buntis siya kaya pinili niyang hindi maglaro. Twenty-one years old noon si EJ.

Parehong itinanggi nina EJ at Bugoy ang balita. Makalipas ang dalawang taon, noong 2019, nakabalik pa si EJ sa paglalaro para sa Foton.

Noong September 3, 2020, sa unang pagkakataon, ay inamin nina Bugoy at EJ na ganap na silang mga magulang sa anak nilang si Scarlet Carino. Ito ay sa pamamagitan ng isang Instagram post noong ika-18 kaarawan ni Bugoy.

Halos dalawang taon pagkatapos niyang unang aminin ang kanyang pagiging ama, nagpaunlak ng interbyu si Bugoy kay Karen Davila para sa vlog ng veteran newscaster na inilabas kahapon, June 18, 2022.

Dito ikinuwento ni Bugoy ang mga pinagdaanan nila ni EJ noong siya ay magbuntis.

THE CONSEQUENCES OF BEING A DAD AT 16

Aminado si Bugoy na naging mahirap para sa kanya ang maging ama at 16 years old.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Noong panahon ding iyon kasi, nagsisimula siya bilang isang teen actor at kakapasok niya lang noon sa Hashtags.

Bukod dito, nag-bida rin siya sa remake ng Spirits na i-prinoduce ng iWant TFC.

Subalit sa isang iglap ay nawala itong lahat sa kanya.

Pag-amin ni Bugoy, “Noong naging tatay na ako, parang nawala lahat ng mga gusto kong gawin.

“Lahat po, natanggal talaga. So, yun, talagang nagbago po talaga yung buhay ko.”

Ano ang naramdaman ni Bugoy noong sinabi ni EJ sa kanyang buntis siya?

Sagot ni Bugoy, “Sa akin kasi, parang masakit po talaga noong una na parang ganun nga, 21 years old na siya, siyempre yung edad niya, parang okay na siya huminto sa pag-volleyball niya.

“Okay na siyang magkaanak kasi 21 years old na siya.

“Sa akin po kasi, parang yung mga magulang ko, kapatid ko, hindi po talaga sila sang-ayon.

“Nagalit po sila, yun yung time na parang yung career ko, pataas na po nang pataas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So parang siguro, na-confuse lang ako sa sarili ko dahil nga naisip ko na bakit, ang aga pala talaga. So parang nawala lahat sa akin, so masakit din po sa part ko na noong naging tatay ako, yung family ko, hindi ko na masyado matulungan.”

THEY CONSIDERED HAVING THE BABY ABORTED

Inamin naman ni Bugoy na muntik na nilang ipalaglag ni EJ ang bata noon.

Kuwento ni Bugoy kay Karen, “Ito po, sasabihin ko na po talaga, una po talaga, ang desisyon namin is ipalaglag na lang yung baby.

“Okay, sabi ko, kasi bata pa po ako noon, e. Hindi ko po alam na parang buhay pala yung mawawala kapag ipinalaglag mo or something.

“Sabi ko sa sarili ko, sige, para lang mabalik yung career ko. Alang-alang na lang siyempre sa family ko, para makatulong ako nang sobra and para maibalik yung mga shows na ibinigay sa akin, yung tiwala sa akin ng ABS, maibalik sa akin, sige ipalaglag na lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero mayroon daw nakapagpabago ng isip ni Bugoy.

Patuloy niya, “Mga one week na nakapag-isip-isip po ako kasi nagsi-search po ako sa cellphone na ano ba mangyayari kung ipapalaglag, anong mangyayari sa bata, sa baby, kung buhay ba talaga siya sa loob ng tiyan, kung ganon ba kalaki? Sinearch ko po yun.

“Sabi ko, ‘Ay, baby na siya, tao na. Kapag ipinalaglag ko pala ito, parang ito yung isa sa pinakamalaking kasalanan na magagawa ko sa buhay ko.’

“Kinausap ko yung family ko, si EJ, sabi ko sa kanila, ‘Ma, itutuloy ko na ito.’

“Kay Lord po kasi talaga ako kumapit noong time na yun lalo na, sobrang stressed ko sobrang dami ko iniisip, sobrang bago ako matulog, nagpe-pray ako lagi.

“Sabi ko sa mama ko na, ‘Ma, itutuloy ko na ito. Wala nang atrasan ito.’ Sinabi ko na rin po sa papa ko.”

Sa pag-uusap ni Bugoy at ng kanyang ama, lalong napatunayan ni Bugoy na tama ang kanyang desisyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Salaysay ng actor-dancer, “Yung papa ko, at that time, nasa Saudi siya, vinideo call ko po yung papa ko. ’Pa, sorry napaaga, pa.’

“Doon yung time na mas lumakas yung loob ko. Para sa akin po, di ba, kapag nagsasalita yung tatay lalo na sa bunsong anak, ‘Sabi niya, ‘Bunso, kapag iyan, ipinalaglag mo yung bata, huwag mo na ako tawaging tatay.’

“’Kapag ipinalaglag mo iyan, hindi ka tunay na lalaki... sorry for the word, wala kang bayag, kalimutan mo nang tatay mo ako.’

“So ako, iyak ako nang iyak, pero yung sinabi niyang yun, yung iyak ko parang, ****, may tao pa palang sasagip sa akin, may tao pa palang tutulong sa akin na i-angat yung confidence ko sa tao.

“Sabi ko, ‘Sana, sa desisyon kong ito, hindi ka madismaya kasi gagawin ko talaga yung best ng pagiging tatay, yung pagpapalaking ginawa niyo sa aming magkakapatid, gagawin ko rin yun sa anak ko. Parang hindi kita ipapahiya dahil maaga akong nagkaanak.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos nito ay napag-usapan na ni Bugoy at EJ ang gagawing desisyon para sa bata.

“’Tapos kinausap ko si EJ, sabi ko, ‘Beb, itutuloy na natin ito, ayokong ipalaglag yung baby.’

“Kasi parang mali po pumatay ng tao, Ms. Karen, di ba? Kasi buhay din po yun, e.

“Sabi ko, ituloy na natin ito. Sabi niya sa akin, ‘Sa akin, okay lang naman kasi 21 na ako.’

“’Tapos gusto niya na rin magpahinga sa volleyball, ang iniisip niya lang noon, paano ako. Sabi ko, ‘Beb, huwag mo akong alalahanin, lalaki ako, gusto ko ako yung didiskarte para sa atin.’”

REACTION OF EJ’S PARENTS

Bukod sa pamilya ni Bugoy, naramdaman din nila ni EJ na dismayado ang pamilya ng volleyball player dahil sa nangyari.

Pagbabalik-tanaw ni Bugoy, “Simula noong nalaman nilang buntis si EJ, galit sila sa amin, hindi kami pinapansin. As in galit talaga.

“Kasi si EJ, noong time na yun, sobrang sikat po siya sa volleyball, yun din po yung kausukan, pareho kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dumating pa raw sa punto na nang makasama ni Bugoy ang pamilya ni EJ, hindi siya makakibo dahil sa hiya.

“Noong nalaman na buntis si EJ, first time namin magkita-kita na family, ‘tapos may time po noon na magdi-dinner kami, lahat sila galit sa akin.

“Parang nakakahiya, sabi ko. Sobrang awkward po talaga as in nakayuko lang ako.

“Siguro nga, nakadalawa, tatlong subo lang ako. Parang wala akong gana kumain kasi hindi po ako makaharap nang maayos sa kanila.

“Parang pinalipas ko po yun talaga, as in, sabi ko, okay lang kahit sobrang galit sa akin yung family ni EJ, pero gusto ko, this time, proud naman sila sana sa amin.”

Pero imbes panghinaan ng loob, nagbitaw ng pangako si Bugoy.

“Tinanggap ko, kinain ko po lahat ng mga sinabi nila kasi sabi ko po sa sarili ko, pagdating ng panahon, na yung galit niyo, mapapalitan ng proud.

“Kasi ginawa ko naman nang tama yung part ko as pagiging tatay kahit maaga akong nagkaanak.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bugoy Carino admits initial thoughts about having his baby with EJ Laure aborted. However, he realized, "Baby na siya, tao na. Kapag ipinalaglag ko pala ito, parang ito yung isa sa pinakamalaking kasalanan na magagawa ko sa buhay ko."
PHOTO/S: Karen Davila Vlog
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results