Bugoy Carino recalls how he and EJ Laure hid her pregnancy

by James Patrick Anarcon
Jun 19, 2022
Bugoy Carino and EJ Laure
Bugoy Carino recalls how he and EJ Laure had to hide the fact that he is the father of her baby: "Kapag nandun po ako sa ospital may papasok na nurse, na doctor, magtatago ako sa CR. So, kung gaano katagal yung nurse, yung doctor, ganun din ako katagal sa CR. May time na isang oras yung doktor, so ako sa CR, isang oras din ako ‘tapos naka-jacket pa ako."
PHOTO/S: Karen Davila Vlog / @iambugoycarino03 on Instagram

Binalikan ni Bugoy Cariño ang panahong inililihim pa nila ni EJ Laure ang pagbubuntis nito sa anak nilang si Scarlet.

Sa eksklusibong panayam ni Bugoy kay Karen Davila sa vlog ng newscaster na ipinalabas kahapon, June 18, 2022, ikinuwento ng 19-year-old actor-dancer kung paano silang nagtago noon ni EJ.

Aminado si Bugoy na naging masakit at “unfair” sa kanya ang unang bahagi ng pagiging ama sa edad na 16 na taong gulang.

Kuwento ni Bugoy kay Karen, “Ang alam niyo po, Miss Karen, yung pinakamasakit sa akin na part sa pagiging tatay, kunyari pag tsine-check-up si EJ, kapag tsine-check-up siya, di ba dapat, kapag tatay ka, kasama ka?

“Itse-check mo yung heartbeat, itse-check mo yung baby, itse-check mo yung hitsura niya, yun yung hindi mo magawa.

“Parang doon ako nalungkot na parang kapag nakakanuod ako sa Facebook na mga video ng tatay na kasama nila yung asawa nilang manganganak, doon ako nalungkot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ko, ganun pala talaga ano, ang unfair kasi hindi pa kami magkasama kasi bawal po ako makita sa ospital.”

Umabot pa nga raw sa puntong isang oras naghintay si Bugoy sa loob ng banyo ng hospital room ni EJ para lang magtago sa mga doktor at nurse.

Patuloy niya, “’Tapos, kapag dumadalaw po ako kay EJ noong nasa ospital na siya, ginagawa ko po, naka-mask ako, ‘tapos naka-hood.

“Nakikilala pa rin po ako ng tao pero hindi ko na lang po pinapansin, kasi hindi naman nila alam na si EJ yung nasa kuwarto ng ospital.

“So, kapag nandun po ako sa ospita,l may papasok na nurse, na doctor, magtatago ako sa CR. So, kung gaano katagal yung nurse, yung doctor, ganun din ako katagal sa CR.

“May time na isang oras yung doktor, so ako sa CR, isang oras din ako ‘tapos naka-jacket pa ako.

“Tine-text ko na si EJ, sabi ko, ‘Beb, di pa ba matatapos 'yan? Sobrang init na dito, kulob na kulob na ako naka-jacket pa ako.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ: Bugoy Cariño reveals he and EJ Laure almost had an abortion "para lang mabalik yung career ko"

EXPENSES DURING HER PREGNANCY

Dahil walang project si Bugoy noon at nasuspinde sa mga programa niya sa ABS-CBN, naging mahirap din para sa kanila ang expenses noong buntis pa si EJ.

Sa katunayan, nagpresinta noon ang volleyball team ni EJ na Foton Tornadoes.

Kuwento ni Bugoy kay Karen, “Ang magbabayad po talaga sa ospital ay dapat, yung team ni EJ which is yung Foton. Sila dapat magbabayad. Dito ko lang po sinabi yun.”

Subalit bilang padre de pamilya ay tinanggihan ito ni Bugoy.

Para kay Bugoy, sila ang nagdesisyong magkaroon ng pamilya kaya dapat panindigan nila ito.

Patuloy niya, “Nalaman ko na yung team yung magbabayad, pinigilan ko.

“Sabi ko, ‘Bakit po kayo yung magbabayad? Kayo po ba yung tatay ng baby?’

“Parang sabi nila, ‘Hindi, gusto lang namin tulungan kayo ni EJ.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ko, ‘Hindi po, okay na po kami. Ako po dapat ang gagawa ng way para makabayad kami.’”

Nagawan naman daw ito ng paraan ni Bugoy sa pamamagitan ng savings niya sa ABS-CBN.

Paliwanag niya, “Opo, kasi sa ABS meron kaming savings kapag minor ka.

“So, yung savings po na yun, yun po yung pinambayad ko, kasi medyo malaki din po kasi caesarian si EJ, e.

“Medyo malaki rin po binayaran namin, 300 [thousand] gano'n.

“Sabi ko, ako yung tatay, lalaki ako, dapat ako yung magbabayad. Hindi po puwedeng ibang tao kasi ako gumawa niyan, e.

“Dapat ako rin magpapakahirap sa bayaran, di ba? So okay naman, ako po yung nagbayad talaga.”

BUGOY’S FIVE-YEAR GAP WITH EJ

Matatandaang noong panahong pumutok ang balitang nabuntis ni Bugoy si EJ, maraming bumatikos sa kanilang relasyon sa social media.

Isa sa mga dahilan nito ay ang kanilang edad. 21 si EJ, 16 si Bugoy. Noong mga panahong ito ay menor de edad pang maituturing si Bugoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami ang nagsabing dapat daw ay kasuhan ni Bugoy si EJ dahil sa nangyari.

Pero sa interbyu ni Karen kay Bugoy, hindi raw siya natakot sa responsibilidad kahit na menor de edad siya noon.

Paliwanag ni Bugoy, “Hindi po ako natatakot kahit menor de edad po ako.

“Nakikita ko nga po yung sinasabi ng tao na dapat kasuhan po si EJ kasi nga minor ako. E, hindi naman po sila yung magkakaso, dapat ako yung magkakaso kay EJ kasi ako yung minor.

“E, pinili ko po na gusto kong maging masaya na lang, e. Gusto ko na maging parte ng buhay ko si EJ, so hindi ko ginawa na kasuhan siya kasi kung kakasuhan ko siya dapat matagal na.

“Ito po yung choice ko, e. Sobrang mahal ko po si EJ. Ito yung choice ko na bakit ko siya kakasuhan, e, may anak kami, paano kapag kinasuhan ko siya?

“Sinasabi ng tao na bakit si EJ, hindi niya ako pinipigilan kasi nga minor pa ako. Hindi po ako masisisi ng tao, hindi rin po masisisi si EJ ng tao kung bakit. ’Uy, bakit hindi niyo pigilan yung sarili niyo, bata pa yan?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi ako po yung talagang may gusto kay EJ, so, sabi ko sa kanya, ‘Huwag mo na pansinin iyan. Pagdating ng panahon, wala na iyan, e. Mababago rin yung isip nila.’”

SEEING THE BABY FOR THE FIRST TIME

Noong araw na nanganak si EJ, wala si Bugoy sa kanyang tabi.

Pagbabalik-tanaw niya, “Wala po ako, nagtatago po kami. Ang nangyari po, bumibili ako ng needs ni baby at saka needs ni EJ pagkapanganak.

“Sobrang kabado po talaga ako, as in, kasi ina-update ako ng nanay ni EJ, kasi si EJ papunta na sa ganito, manganganak na.

“Yung pushcart, tinutulak ko, nanginginig ako. ‘Tapos, hinang-hina yung tuhod ko, hindi talaga ako maka-focus.

“Sabi ko, hindi ko alam yung bibilhin ko, hindi ko alam kung diaper, dede, hindi ko alam. ‘Tapos, pray ako nang pray.”

Pagkatapos ng ilang minuto, nag-send ang ina ni EJ kay Bugoy ng picture ng bagong-panganak niyang baby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ni Bugoy, “E, sakto palabas na ako noon sa pinagbilhan namin sa grocery, napahinto ako sa may exit, napaupo ako dun sa may exit.

“Nanghina yung tuhod ko ‘tapos iyak ako ng iyak, ‘tapos yung mga kasama ko, ‘Bakit? Bakit?’

“Tapos, ipinakita ko yung picture. Sabi ko, salamat talaga, Lord. Okay na ako, panibagong buhay na, lahat ng mga negative, wala na, panibagong chapter. Sobrang saya ko talaga.”

FENDING FOR BUGOY, EJ, AND SCARLET'S NEEDS

Aminado si Bugoy na hindi naging madali ang pagtataguyod ng pamilya noong kakapanganak lang ni EJ, lalo pa’t wala siyang trabaho noon.

Sabi ni Bugoy, “Honestly, sobrang hirap, wala po akong work, hindi po ako nakikita sa TV.

“So, parang iniisip ko sa sarili ko na, ‘Kilala pa kaya ako ng tao? Magkakapera pa kaya ako?’

“Iniisip ko po kasi bata pa po ako, 'tapos gusto ko pa po makatulong sa family.

“’Tapos, yun yung time po na saktong sakto na bago po mag-pandemic, nakapagpatayo po ako ng mineral station so yun po yung first business ko, dun po ako nabuhay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong pandemya, nagsimula rin si Bugoy na mag-online selling. Pero naging tapat siya nang sabihin niyang nakaramdam siya ng hiya.

“Nag-online selling din po ako noong pandemic kasi parang hindi pa masyadong sapat yung kinikita sa mineral station.

“E, ako po, siyempre as an artist parang nakakahiya po. Sorry po, ha, parang nakakahiya po kasi na ibababa mo yung pride mo para mag-online selling ng mga gamit.

“Noong una, ayaw ko po talaga. Sabi ko, nakakahiya, sobra alam niyo naman po yung mga tao, di ba?

“Noong mga third na pang-online selling namin, sabi ko, ‘Hindi, sige gagawin ko ito para sa atin din, para okay tayo.;

“Ginawa ko po siya then noong okay, maraming basher pero wala akong paki, hindi naman po ako kikita sa kanila, e.

“So sabi ko, ititinda ko lang itong binebenta ko para kumita ako, dun ako magpo-focus.”

Pero naging mahirap din para kay Bugoy na i-give up ang pagbubuhay binata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa akin po kasi, nahirapan lang ako sa pag-switch kasi noong teenager pa ako, teenager pa rin naman po ako talaga noon pero noong wala pa po ako anak, nagagawa ko lahat ng gusto ko.

“Tropa, inom, saan pumunta, nagagawa ko po lahat. Pero noong nagkaanak po ako. doon po nag-switch.”

Pero hindi raw nito maipagpapalit ang mga natutunan ni Bugoy sa pagiging ama.

Salaysay niya, “Yung para maging responsable ako, mas naging mature yung pag-iisip ko po. Una sila bago ako.

“Ang sarap pala pag inuuna mo yung family mo. Lahat ng mga nawala sa akin, si Scarlet yung bumalik, sobra pa.

“Kaya sobrang thankful po ako kay God kasi di ko alam paano siya papasalamatan, sobrang blessed naming tatlo.”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bugoy Carino recalls how he and EJ Laure had to hide the fact that he is the father of her baby: "Kapag nandun po ako sa ospital may papasok na nurse, na doctor, magtatago ako sa CR. So, kung gaano katagal yung nurse, yung doctor, ganun din ako katagal sa CR. May time na isang oras yung doktor, so ako sa CR, isang oras din ako ‘tapos naka-jacket pa ako."
PHOTO/S: Karen Davila Vlog / @iambugoycarino03 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results