PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Madam Inutz proud of macho dancer boyfriend

Madam Inutz defends boyfriend from critics.
by Bernie V. Franco
Published Jun 20, 2022
Madam Inutz
Madam Inutz defends boyfriend from naysayers: “Hindi lahat ng nagtatrabaho sa club is ganoon karumi, is ganoon klase ng trabaho, kumbaga, peperahan ka na.”
PHOTO/S: YouTube (Madam Inutz)

Gagamitin at peperahan lang si Madam Inutz a.k.a. Daisy Lopez.

Ilan lamang ito sa mga paratang na sinagot ni Madam Inutz tungkot sa kanyang boyfriend na ipinakilala niyang si “Tantan.”

Sinagot ni Madam Inutz ang mga akusasyon sa kanilang magkasintahan sa YouTube vlog ng former Pinoy Big Brother Kumunity 10 housemate nitong June 18, 2022.

Ayon kay Madam Inutz, bukod sa madaming humuhusga, “hindi makatao” ang mga paratang na ibinabato sa kanyang boyfriend.

Inamin ni Madam Inutz na macho dancer ang kanyang boyfriend na si Tantan.

MADAM INUTZ ON HER MACHO DANCER BOYFRIEND

Giit ni Madam Inutz, hindi porke’t macho dancer si Tantan ay may karapatan na ang ibang husgahan ang pagkatao nito.

“Wala tayong karapatan,” giit ni Madam Inutz.

Lahad niya, nagkakilala sila dahil nagtatrabaho ang lalaki sa club na pagmamay-ari ni Wilbert Tolentino, manager ni Madam Inutz.

Sabi pa ni Madam Inutz, “Hindi lahat ng nagtatrabaho sa club is ganun karumi, is ganun klase ng trabaho, kumbaga , peperahan ka na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

madam inutz boyfriend

Katuwiran pa ng TV personality, “Alam niyo naman si Madam Inutz is nagtatrabaho din sa bar, naging entertainer din ako.

“Pero nakita niyo kung gaano kalaki yung puso at saka pagtingin ko sa pamilya.

“So, ganoon kamin ni Tantan. Kumbaga, nagkaroon kami ng similarity.”

Wala raw masama sa kahit anong trabaho hangga’t walang inaapakang iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kahit anong klase ng trabaho, hindi mo dapat ikahiya.

"So, hindi niya dapat ikahiya iyon at hindi ko dapat ikahiya kung saan ko nakilala.

“Never ko ikinahiya naging entertainer ako. Never ko ikinahiya na kung ano man ang klase ng trabaho ko kasi trabaho iyan.

“At least, nagsusumikap, kumikita ng sarili nilang pera at sinusuportahan ang pamilya,” saad niya.

ON ACCUSATIONS VS BOYFRIEND

Pinasinungalingan din ni Madam Inutz at ng boyfriend nito ang mga ibinabatong paratang sa kanila.

Iginiit ni Madam Inutz na hindi siya nagpapagamit sa boyfriend.

“Hindi po tayo gumagastos sa lalaki. Nagkataon lang na kaming dalawa, mayroong similarity.

“Hindi ako ganoon kabobo, hindi ako ganoon kagago, or hindi ako ganoon katanga para magpagamit.

“Siguro naman nasa tamang edad na ako,” pahayag niya.

Paglilinaw ni Madam Inutz sa estado ng kanilang relasyon, “Baka kasi iniisip niyo sobrang pagkatanga ko, hindi ko muna kinikilala yung tao.

“At the moment, ini-enjoy namin yung kung ano yung samahan naming dalawa.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sinagot naman ni Tantan ang paratang na bading ito.

Sabi niya, “Hindi ako bayot, hindi ako bading, hindi ako paminta. Lalaki ako. Straight 100 percent.

“Di naman ako nagi-guilty kasi hindi naman totoo.”

Diin naman ni Madam Inutz sa panghuhusga sa kanila ng boyfriend: “Suporta ang kailangan ko, hindi panghuhusga.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Madam Inutz defends boyfriend from naysayers: “Hindi lahat ng nagtatrabaho sa club is ganoon karumi, is ganoon klase ng trabaho, kumbaga, peperahan ka na.”
PHOTO/S: YouTube (Madam Inutz)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results