PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tommy Alejandrino shines in Nay, May Dala Akong Pancit

Tommy Alejandrino easily shifts from theater to movies and vice versa.
by Jerry Olea
Published Jun 24, 2022
tommy alejandrino cinemalaya
Tommy Alejandrino on returning to Tanghalang Huseng Batute for Nay, May Dala Akong Pancit: "Nakakakilig po siya! Kasi, wala, antagal ko na rin ditong nagpe-perform, lalo na dito sa Batute. Kaya masarap sa pakiramdam na parang nagbabalik-tanaw. Lalo na’t ilang araw naming ni-rehearse ito. Tapos, iba rin yung pakiramdam pag may nakanood na. Kumbaga, naghihintay na lang talaga ng audience.”
PHOTO/S: Jerry Olea / Facebook

Masigabo ang palakpakan kay Tommy Alejandrino at co-actors niyang sina Lian Silverio, Manok Nellas-Bagadiong, at Mia Bolaños pagkatapos ng unang pagtatanghal ng dulang Nay, May Dala Akong Pancit nitong Hunyo 17, 2022, Biyernes ng hapon, sa Tanghalang Huseng Batute ng Cultural Center of the Philippines, Pasay City.

Ang nasabing palabas ay isa sa labindalawang dula na tampok sa Virgin Labfest 17: Hinga. Akda iyon ni Juan Ekis.

Live ang pagtatanghal ng mga dula mula Hunyo 16-19, at 23-26 sa CCP. Hunyo 30 hanggang Hulyo 10 naman ang online streaming sa Ticket2Me.

Sobrang na-enjoy ng 20-anyos na si Tommy ang paglabas sa VLF 17.

“Sobrang iba po yung proseso dito kumpara sa shoot ng pelikula at sa iba ko pang nagawa,” pahayag ng young actor.

“Pero na-enjoy ko sila pareho.”

AUDITIONING FOR HIS ROLE

Paano siya napasama sa cast ng Nay, May Dala Akong Pancit? Handpicked ba siya ni Direk Karl Alexis Jingco?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nag-audition ako. Nag-send ako ng VTR ko sa kanya, online. Kasi, nung una, ano lang ito dapat, e, walang live ito,” salaysay ni Tommy.

“Isa ito sa mga VLF plays na napunta dun sa pandemic era, e. Kaya hindi ito na-stage. Kaya nilipat ito.

“Isa ito sa mga handpicked na, ayun, tuluyang naging live. Kaya matagal na rin yung proseso nito, puro online.

“Tapos ayun, naging face-to-face nga. Buti naman.

"Nakakakilig po siya! Kasi, wala, antagal ko na rin ditong nagpe-perform, lalo na dito sa Batute.

“Kaya masarap sa pakiramdam na parang nagbabalik-tanaw. Lalo na’t ilang araw naming ni-rehearse ito.

“Tapos, iba rin yung pakiramdam pag may nakanood na. Kumbaga, naghihintay na lang talaga ng audience.”

Sa pagkakatanda ni Tommy, ang huling performance niya sa Batute ay ang recital nila noong Grade 10 siya four or five years ago.

Mapapanood muli ang Set B ng VLF — kung saan kabilang ang delicious play na Nay, May Dala Akong Pancit — sa Hunyo 26, Linggo ng 2:00 p.m. at 7:00 p.m. sa CCP.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

THE BASEBALL PLAYER

Nagbida si Tommy sa short film na Angelito (2017), na tulay sa pagitan ng mga pelikulang Heneral Luna (2015) at Goyo: Ang Batang Heneral (2018).

Title role din siya sa full-length feature na The Baseball Player, na isa sa labintatlong official entries ng 18th Cinemalaya filmfest sa Agosto 5-14, 2022.

“Ito po ang first Cinemalaya ko, kaya na-excite ako,” sambit ni Tommy.

Paano siya napiling bida sa The Baseball Player?

“Tumawag po si Direk Carlo [Obispo] sa akin. So, excited lang ako na mapanood siya,” lahad ng young actor.

“Kasi, wala. Parang… sobrang nag-enjoy ako sa process, sa rehearsals, sa shooting namin nang ilang araw sa Tarlac, sa bundok. Tapos, bumaba rin naman kami.”

Nag-umpisa si Tommy sa teatro. Nag-aral siya sa Philippine High School for the Arts.

“Six years akong nagteteatro, sa Dulaang Sipat Lawin, yung school resident theater namin,” sabi ni Tommy.

“Sa Bundok Makiling po yun sa Los Baños, Laguna. Nagdo-dorm kami dun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-aral din doon sina Elijah Canlas at Adrienne Vergara. Ahead sa kanya ng one year si Elijah.

Tampok din sa Cinemalaya 2022 ang Blue Room ni Ma-an L. Asuncion-Dagñalan, kung saan bida sina Elijah at JK Labajo.

Ang iba pang entries this year ng most prestigious indie filmfest ng bansa ay Kargo ni TM Malones, Ginhawa ni Christian Paolo Lat, Batsoy ni Ronald Batallones, 12 Weeks ni Anna Isabelle Matutina, Retirada nina Cynthia Cruz-Paz at Milo Alto Paz, Bakit Di Mo Sabihin? ni Real Florido, Angkas ni Rain Yamson II, Kaluskos ni Roman Perez Jr., Parole ni Briliant Juan, Bula sa Langit ni Sheenly Gener, at Elehiya ni Manny Palo.

DARING MOVIE

May ginawa rin siyang mapangahas na pelikula kay Direk Joselito Altarejos, ang Finding Daddy Blake.

Napangiti si Tommy, “Masaya rin po yun. Kasi, ibang-ibang proseso siya, kumpara sa iba kong mga ginawa.

“Ako rito si Kokoy, yung best friend o kababata ng bida na si Elijah, si Carlos Dala. May gusto si Kokoy kay Elijah.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gaano sila ka-daring ni Carlos?

“Abangan niyo na lang! Basta, wala kayong makikitang ano naman, sobrang nude talaga. Walang ganun!” paglilinaw ni Tommy.

“May mga suggested lang. May halikan. Siguro, yun na yung pinaka-daring dun, sa lagay na yun. Yun.”

Naunang magkatrabaho sina Tommy at Carlos sa short film na Henry ni Direk Kaj Palanca. Kalahok iyon sa QCinema 2021 indie filmfest.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tommy Alejandrino on returning to Tanghalang Huseng Batute for Nay, May Dala Akong Pancit: "Nakakakilig po siya! Kasi, wala, antagal ko na rin ditong nagpe-perform, lalo na dito sa Batute. Kaya masarap sa pakiramdam na parang nagbabalik-tanaw. Lalo na’t ilang araw naming ni-rehearse ito. Tapos, iba rin yung pakiramdam pag may nakanood na. Kumbaga, naghihintay na lang talaga ng audience.”
PHOTO/S: Jerry Olea / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results