Nakiusap si Awra Briguela, 18, sa mga taong nanood ng UAAP women’s volleyball sa SM Mall of Asia Arena (MOA) noong Hunyo 21, 2022.
Nanakawan uman ang kasama niya ng cellphone at cash habang maraming nagpa-picture sa kanya.
Pakiramdam niya ay nakunan ng video ang taong kumuha ng cellphone at cash ng kasama niya.
Mensahe ni Awra sa Twitter: “Sa lahat po ng may video ko sa moa kanina after game kindly send me the video nanakawan po kase kasama ko ng phone and cash habang madaming nagpapa-picture. DOOR 218 po ako nun thank you po.”
Dagdag pa ng Kapamilya star, hindi lang ang kasama niya ang nawalan ng mahahalagang gamit.
“End up sobrang dami pong nanakawan same time and same spot. so please po pa send ng video ramdam ko po na videohan talaga yung nag nakaw.”
Na-trauma raw si Awra dahil sa pangyayari.
Saad niya, “grabe talaga kanina yung experience ko sa moa arena nakaka-trauma. ang babastos na malikot pa kamay.
“ayaw mag si pagtrabaho ng maayos, sobrang nakakagalit hindi nakakaawa.
“grabe ang modus nila sobrang daming nagpapa-picture tapos ‘pag nagkakagulo na galaw na ang mga kupal magnakaw”

Babala pa niya sa kumuha ng iPhone ng kanyang kasama: “’pag na-lock yan sa apple hindi na talaga magagamit yan kahit kailan kaya mas mabuti pang ibalik nalang”
Bukod sa cellphone, may limang libong piso raw nakuha sa kasama niya.
Dodoblehin daw niya ito sa makapagbabalik ng kanyang telepono kahit ito pa ang nandukot sa kasama niya.
Pangako ni Awra, “again sa kumuha ng phone pakibalik nalang po kase hindi nyo rin po talaga yan mapapakinabangan.
“I will give you cash pa po ‘pag binalik nyo. yung 5k na nakuha den dodoblehin ko you can dm me promise hindi ko expose kung sino ka. sobrang dami lang important files sa phone.”
Wala pang balita kung naibalik na ang mga nanakaw dahil wala pang bagong post si Awra tungkol dito.
