Nursing student sa La Union, hinarang ng school ang pagmartsa sa mismong graduation?

by Bernie V. Franco
Jun 24, 2022
John Marcelino Rosaldo
Viral ang Nursing graduate na si John Marcelino Rosaldo ng isang eskuwelahan sa La Union. Sabi ng kanyang kapatid, hinarang si John nang paakyat na ito sa stage at hindi pinamartsa sa mismong graduation ceremonies. Bakit?
PHOTO/S: Facebook (Manila Bulletin) / TikTok

Sino nga ba ang may pagkukulang at hindi nakamartsa ang isang nursing student sa graduation ceremonies ng isang college sa La Union?

Viral ngayon ang kuwento ng binatang si John Marcelino Rosaldo, Nursing graduate ng Lorma Colleges sa San Fernando, La Union.

Ginanap ang graduation ceremonies nitong June 23, 2022.

Pero ang dapat sana ay masayang araw para kay John at sa kanyang pamilya ay napalitan ng lungkot nang pigilan umano siyang umakyat ng stage at makamartsa.

Sa social media idinaan ng kapatid niyang si Celene Rosaldo ang pangyayari.

Ipinost ni Celene ang ilang videos sa kanyang TikTok account.

Ipinost ni Celene ang maiksing video na kuha habang nagaganap ang seremonya.

Caption niya: “Yung graduate ka pero di ka pinaakyat ng stage para kunin diploma mo kasi di naconfirm payment mo sa grad fee.”

graduation

Continue reading below ↓

Malinaw na tinutukoy rito ni Celene ang kanyang kapatid na si John.

Nahagip sa video ang mukha ni John na nakatoga at may caption na : “Di naman masaket [crying emojis]”

Kasunod nito ay ipinost ni Celene ang video niya, ni John, at kanilang ina na nasa loob ng kotse.

Mahihinuhang tapos na ang graduation ceremonies.

Caption ni Celene: “My brother just graduated but my mom cried coz the school did not allow him to get his diploma up the stage.”

Detalye pa niya: “He has already paid his grad fee the day before his grad but the school didn’t confirm his payment. That’s the f*cked up part.”

graduation

Continue reading below ↓

Ang last-minute payment ni John ng kanyang graduation fee at miscommunication ang naging isyu, base sa detalye ni Celene.

Ang dalawang TikTok videos na ito ni Celene ay umabot na ng ilang milyon sa loob lamang ng isang araw.

Samantala, sinabi ni Celene sa Manila Bulletin na naapektuhan ang kanilang ina dahil kitang-kita niya nang i-pull out umano si John sa pila ng mga estudyanteng aakyat ng stage para tanggapin ang diploma.

Binanggit din ng Manila Bulletin na walang official statement ang school kaugnay ng isyu.

NETIZENS HAVE MIXED REACTIONS

Maraming netizens ang hindi napigilang mag-react sa pangyayari.

Marami ang nalungkot at nakisimpatiya sa naranasan ni John.

Anila, hindi sapat ang binanggit na rason para pigilan si John sa pagmamartsa.

Maraming netizens ang nagalit sa eskuwelahan at binato ito ng mga akusasyon at pagkuwestiyon sa prayoridad nito bilang isang educational institution.

lorma colleges

Continue reading below ↓

May ilan naman ang nagpaliwanag na dapat ay ni-settle ng estudyante ang requirements sa takdang oras.

comment

Sa kabilang banda, may ilang school alumni ang nanawagan na huwag basta-basta magkaroon ng konklusyon at dapat alamin muna ang buong pangyayari.

Sabi ng isang netizen, siya at ang kanyang misis ay parehong alumni sa Lorma- Nursing.

Continue reading below ↓

“There is more to this story and before we start judging let us hear what happened behind the scenes which led to this unfortunate event.”

Katwiran naman ng iba, hindi dapat hiniya ang estudyante at hinayaan na lang magmartsa.

Dagdag ng isa pa, puwede namang i-hold ang credentials at transcript of records ng estudyante kung may fees pang hindi nababayaran.

comment

Continue reading below ↓

comment

Muling sumagot ang netizen na alumnus ng school at nilinaw na hindi siya pabor sa sinapit ni John.

Pero giit niya: “But before we get ahead of the issue let’s find out what happened first leading to graduation day.”

comment

Continue reading below ↓

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa paglathala ng panig ng Lorma Colleges tungkol sa isyu.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Viral ang Nursing graduate na si John Marcelino Rosaldo ng isang eskuwelahan sa La Union. Sabi ng kanyang kapatid, hinarang si John nang paakyat na ito sa stage at hindi pinamartsa sa mismong graduation ceremonies. Bakit?
PHOTO/S: Facebook (Manila Bulletin) / TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results