Julie Anne San Jose, Rayver Cruz post PDA moments during fishing trip
Jun 27, 2022
Are Julie Anne San Jose and Rayver Cruz in a relationship more than a month after Rayver declared that he's in love with the singer-actress? The two get cozy with each other as they went to their first fishing trip together.
PHOTO/S: Julie Anne San Jose Instagram / YouTube
Muling pinakilig nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz ang kanilang fans nang i-upload ni Julie Anne sa kanyang YouTube channel ang first vlog nila ng aktor.
Kilala sina Julie Anne at Rayver sa uniname na JulieVer, dahil sa tambalan nila bilang co-hosts sa The Clash at All-Out Sundays sa GMA-7.
Pero bukod sa pagiging magkatrabaho, hindi kaila na may pagsinta ang dalawa sa isa't isa.
Patunay nito ang PDA (public display of affection) moments nila sa YouTube video na in-upload ni Julie Anne noong June 24, 2022.
Kuha iyon sa fishing trip sila ni Rayver sa La Bamboo Fishing Cottage sa Malabon City.
Sa umpisa ng video, makikitang naghihintay si Jullie Anne sa kanyang sundo.
"It’s 5:52 a.m., wala pa rin akong sundo. Akala ko mga 5:00 a.m. ako susunduin. Sadly may araw na, pagod na pagod na ‘kong maghintay," pabirong hirit ng singer-actress.
Sabay bawi niya, "Okay lang naman maghintay, basta alam mong worth it ang paghihintay.”
Makalipas ang ilang sandali, ipinakita na ni Julie Anne ang kanyang na-late na sundo na walang iba kundi ang Kapuso hunk na si Rayver Cruz.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Inamin ni Julie Anne na ito ang unang pagkakataon niyang mangisda makalipas ang mahabang panahon, at mas memorable pa raw dahil kasama niya si Rayver.
"First time kong gagawin ‘to. First time after a very long time na mag-fishing. And my first time to do this with Ray," tukoy ni Julie Anne kay Rayver.
Habang nagmamaneho si Rayver, nagtanong si Julie Anne kung makahuli kaya sila ng maraming isda.
Hirit ni Rayver, "I think magaling ka... huli mo na ako, e!"
Sabay na nagtawanan ang dalawa sa cheesy line ng aktor.
May pagkakataon ding napahawak si Julie Anne sa kamay ni Rayver habang nag-uusap sila—patunay kung gaano sila kakumportable sa isa't isa.
Habang nangingisda ay makikitaang nakaakap pa si Rayver kay Julie Anne.
JULIE ON SWEETEST THING RAYVER DID FOR HER
Matapos ang kanilang pangingisda, sinagot din ng dalawa ang mga tanong ng kanilang fans na si Julie Anne mismo ang nangolekta online.
Dito inamin ni Julie Anne na sobrang na-appreciate niya ang effort ni Rayver na ipakita ang sincere intention nito sa kanya.
"One of the sweetest things that Ray has ever done for me would be siguro nung lumapit siya sa parents ko when he asked permission..."
Tila ang tinutukoy ni Julie Anne ay ang pagpapaalam ni Rayver na manligaw sa kanya.
Hindi naman malilimutan ni Rayver ang minsang pagpunas ni Julie Anne ng pawis sa kanyang likod.
"Kinilig ako kasi wala gumagawa sa akin nun," napapangiting saad ni Rayver.
Sa isip daw ni Rayver noon, "Ang sweet naman naman niya. She's such a caring person."
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Sa pag-uusap ng dalawa ay makikitang umakbay muli si Rayver kay Julie Anne.
JULIE ANNE AND RAYVER ON FINDING "THE ONE"
Isa sa mga tanong mula sa fan ay kung paano maghanap ng "The One."
Payo ni Rayver, huwag daw hanapin dahil kusang darating ang "The One."
Sumang-ayon si Julie Anne.
Kaya hirit ni Rayver, "So, hindi mo inasahan?"
Ganting-hirit ni Julie Anne, "Hindi ko inasahan, pero may dumating."
Panunukso pa ni Rayver, "Sino yung dumating?"
Sa mga malagkit na tinginan ng dalawa, mahihinuhang tinutukoy nila ang isa't isa.
Bukod sa kanilang mga tagahanga, ilang kapamilya at malalapit nilang mga kaibigan ang kinilig din at nagpakita ng suporta, kabilang na ang mga kapatid ni Rayver na sina Rodjun at Andrea.
Inamin ni Rayver na may espesyal siyang pagtingin sa singer-actress sa mismong 28thbirthday celebration nito noong May 16, 2022.
Sinabi noon ni Rayver na handa siyang maghintay kung kailan magiging handa si Julie Anne kahit gaano pa katagal.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Sa kasalukuyan ay pumalo na sa mahigit 55K views ang nasabing video.
Are Julie Anne San Jose and Rayver Cruz in a relationship more than a month after Rayver declared that he's in love with the singer-actress? The two get cozy with each other as they went to their first fishing trip together.
PHOTO/S: Julie Anne San Jose Instagram / YouTube
This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
We use cookies to ensure you get the best experience on PEP.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.