PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rabiya Mateo sinaing meme

Rabiya Mateo: "Hi! Ako pala yung sinaing mo. Joke!"
by Arniel C. Serato
Published Jun 27, 2022
Rabiya Mateo sinaing meme
Rabiya Mateo gamely exchanges banter with a netizen about "sinaing and sinayang" meme.
PHOTO/S: Courtesy: @rabiyamateo on Instagram

Mukhang hindi apektado si Miss Universe Philippines 2020 at Kapuso star Rabiya Mateo sa napabalitang breakup nila ni Jeric Gonzales.

Tuloy lang ang takbo ng buhay at trabaho niya.

Kagabi, June 26, 2022, nag-post si Rabiya ng dalawang larawan na maaaring kuha sa isa sa mga engagement niya.

Ginamit naman niya sa caption ang mga viral na memes noon tungkol sa “sinayang” at “sinaing.”

Saad ng beauty queen, “Hi! Ako pala yung sinaing mo. Joke! [thumbs up, smiling face with halo, smiling face with three hearts emojis]”

View this post on Instagram

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)

Ngunit may isa namang netizen na-curious na baka iba talaga ang nais tukuyin ni Rabiya.

Tanong nito sa TV host-actress: “sinaing ba madam or sinayang? [crying emojis]”

Giit ni Rabiya sa kanyang sagot: "@dreinesst sinaing po talaga"

Rabiya Mateo sinaing meme

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, halos burado na lahat sa Instagram account ni Jeric ang kanyang mga post mula pa noon.

Ang itinira na lang niya ay ang tungkol sa Start-Up, ang upcoming prime-time drama series ng GMA-7 na pinagbibidahan nila nina Alden Richards at Bea Alonzo.

Nitong nakaraang June 20, napansin ng mapanuring mata ng netizens na nag-unfollow na sa isa’t isa sina Rabiya at Jeric sa Instagram.

Kaya naman usap-usapang tinapos na nila ang kanilang bubot pang relasyon.

Read: Rabiya Mateo, Jeric Gonzales break up after only three months of relationship?

Nitong Marso 2022 lang nila inamin sa publiko na sila na officially.

Pero ayon sa ilang sources ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), noong Nobyembre 2021 pa sila may relasyon.

Ayon naman sa ulat ng Cabinet Files, hindi lang daw unfollow ang ginawa ni Jeric kundi binlock pa raw niya ang ex-girlfriend.

Read: Jeric Gonzales, mabilis na naka-move on sa breakup nila ni Rabiya Mateo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rabiya Mateo gamely exchanges banter with a netizen about "sinaing and sinayang" meme.
PHOTO/S: Courtesy: @rabiyamateo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results