Sa GMA-7 series na First Lady natutunan ni Samantha Lopez ang kahalagahan ng professionalism.
Sabi ni Samantha sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan, “I mean, I’m happy that I’ve learned work ethics in a level of professionalism because I’ve experienced it myself and it’s not good to be working with someone who is not professional.
“So for me really, professionalism. And it doesn’t matter how good an actor you are, maraming magagaling na artista, maraming magagaling na artista. Hindi mo lang dapat iisipin na, ‘Magaling akong artista, okay na ako.’"
May nakukuha rin daw siyang aral sa bawat show na kanyang ginagawa.
Aniya, “Ganyan ako ngayon, bawat teleserye na ginagawa ko, meron dapat akong natutunan, sa co-stars ko, sa director ko, sa EP [executive producer] ko, or whoever."
CONEY REYES' WORDS OF WISDOM
Lagi rin daw iniisip ni Samantha ang natutunan niya mula kay Coney Reyes, na co-star niya sa Love Of My Life.
Pagbabahagi ni Samantha, “From Love Of My Life, si Ms. Coney, tinanong ko kasi siya, ‘Ms. Coney, what’s the secret for you to last this long, yung staying power mo in showbiz?’
“Sabi niya, ‘Basta manatili kang [humble]. Ang pagiging magaling na artista, maraming magagaling na artista, pero dapat magaling ka ring makisama.
"Hindi makisamang showbiz way, hindi makisamang plastikan or yung manunuyo ka or ano. Just makisama ka nang maayos, na marunong kang makisama.’
“So iyan ang natutunan ko: maging totoo, maging generous, maging professional, maging humble. Hindi mo dapat iisipin yung star ka.
“Kasi marami akong nakasamang big stars na wow, mas sila pa yung humble kaysa sa mga bago!"
Ang magandang samahan raw ng cast and crew ang dahilan kung bakit successful ang First Yaya at ang sequel nitong First Lady.
Ang kuwento niya, “And I think that’s one of the secrets kaya successful ang First Yaya at First Lady. Yung samahan ng mga, hindi lang ng artista, ng crew, ng mga production team, ng director, lahat-lahat.
“May ano ka talaga, e, may cooperation ka from the top down to the utility, kahit yung taga-portalet, iba ang samahan namin, yung tagatimpla ng kape.
“Iba, iba.
“And I’m very lucky, Love Of My Life 'tapos itong First Lady, itong dalawang nasamahan kong teleserye, grabe."
DEALING WITH BETRAYAL
Ang karakter ni Samantha na si former first lady Ambrosia Bolivar ay loyal kay Senator Allegra Trinidad, na ginagampanan ni Isabel Rivas.
Pero sa totoong buhay, naranasan na raw ni Samantha na ma-betray ng isang tao.
“Edit, delete, reject,” ang sagot niya sa tanong kung ano ang ginagawa niya kapag nakakaranas siya ng betrayal.
“I’ve reached a point in my life wherein hindi na ako yung, I know how to handle na iyang mga ganyan.
"Rather than maapektuhan yung pananaw ko sa buhay, I’ll just, you know, blessing na nakilala kita, at least. Ginawan mo ako ng ganun, karakter mo ang napasama, hindi ako.
“But I’m not gonna change myself or my character because of what you did. Sabi nga nila, you can’t control what’s happening, but you can control how to react to what is happening.”
Inamin din ni Samantha na noong bata pa siya ay naranasan niyang maligawan ng isang pulitiko, pero hindi niya sinagot ang naturang manliligaw.
Ngayong gumaganap siya bilang isang dating first lady, nagkaroon ba ng pagkakataong nangarap siyang maging asawa ng Presidente ng Pilipinas?
“Hindi pa naman umabot sa ganun,” sagot ng aktres.
Samantala, masaya naman si Samantha na consistent na mataas ang rating ng First Lady.
Aniya, “I’m happy for the whole team. I’m happy for our bosses, I’m happy kina Sanya and Gabby, I’m happy for all the original cast.”
Sina Sanya Lopez at Gabby Concepcion ang bida ng First Lady.
Maging ang First Yaya, na sinundan ng First Lady, ay consistent rin na mataas ang ratings hanggang sa pagtatapos nito noong July 2021.
Kuwento pa ni Samantha, “We are all happy, we’re all cheering for each other kasi iba yung bonding, e. I really gained friends, not just taping friends ha, I really gained friends.
“Nung isang gabi nga, pinag-uusapan namin, matatapos na kami so meron na kaming usapan na, ‘Kailangan i-retain natin yung group chat natin, ha?’
“'Tapos may usapan na kami nina Ms. Pilar, Ms. Sandy, kami nila Shyr, Glenda, na lalabas kami, magbi-beach kami, maggaganyan kami.
“So nagkaroon talaga kami ng bonding na hindi lang kami taping friends lang, kundi kahit tapos na ang show naming, hindi matatapos ang friendship namin.”
Kasama ni Samantha sa First Lady sina Pilar Pilapil, Sandy Andolong, Shyr Valdez, at Glenda Garcia, among others.
Magwawakas na ang First Lady ngayong Biyernes, July 1, 2022.
