PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bea Alonzo willing to work with ex-boyfriends except one

Bea on working with past boyfriends: "Depende kung sinong ex."
by Arniel C. Serato
Published Jun 28, 2022
Who is Bea Alonzo alluding to in her "isa lang naman yung ayaw kong ex" comment
Actress Bea Alonzo sees no problem working with her exes except for one... Is it Gerald Anderson?
PHOTO/S: Courtesy: @beaalonzo on Instagram

Walang problema para sa Kapuso star na si Bea Alonzo na makipagtrabaho sa kanyang past boyfriends, puwera lamang sa isa sa mga ito.

Sa first episode ng Coffee Talk with Barbie Forteza sa YouTube na lumabas nitong nakaraang June 26, 2022, napag-usapan nina Barbie at Bea ang tungkol sa mga naging proyekto ng huli.

Pati na sa mga naging katambal nito sa pelikula man o telebisyon.

Kasunod na tinanong ni Barbie kay Bea kung handa ba siyang makatrabaho ang kanyang exes.

Bea Alonzo ex-boyfriends

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakangiting sagot ni Bea, “Depende kung sinong ex. Kay Zanjoe [Marudo], okay akong makipag-work.

“Depende sa ex. Isa lang naman yung ayaw kong ex.”

Hindi binanggit ni Bea kung sino ang ayaw niyang ex-boyfriend, pero posibleng si Gerald Anderson.

Naging malaking balita ang hiwalayan nina Bea at Gerald noong 2019 dahil sa "ghosting" issue.

Read: Bea Alonzo says no formal breakup with Gerald Anderson

Dagdag pang sabi ni Bea tungkol kay Zanjoe, “Kasi kami ni Z, hindi kami ugly breakup. Until now, we’re friends.

“It would be disrespectful to our relationship if we ended it badly. Kasi, iba kapag may betrayal na factor.”

Wala rin umanong problema kay Bea kung gumawa siya ng proyekto sa telebisyon o pelikula sa kanyang past boyfriends kahit na ang ilan sa mga eksena nito ay kahawig ng kanyang dinanas noong sila pa.

Saad niya, “If you’re after giving your audience a good performance, it would be helpful.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, hindi ako takot sa ganun because I know my boundaries as an actor and as a girlfriend to Dom. Alam ko yung boundaries.”

Ang tinutukoy ni Bea na "Dom" ay ang kanyang kasalukuyang boyfriend na si Dominic Roque.

Tatlong taon tumagal ang relasyon nina Bea at Zanjoe, mula 2013 hanggang unang bahagi ng 2016.

Read: Zanjoe Marudo confirms breakup with long-time girlfriend Bea Alonzo

Si Gerald naman ay pumasok sa buhay ni Bea noong 2016 pero naghiwalay sila noong 2019.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Bea Alonzo sees no problem working with her exes except for one... Is it Gerald Anderson?
PHOTO/S: Courtesy: @beaalonzo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results