Mukhang ang pag-amin na lamang sa publiko ang kulang para sabihing may relasyon na nga sina Kobe Paras, 24, at Erika Rae Poturnak, 20.
Si Kobe ay anak nina Benjie Paras at Jackie Forster, habang si Erika naman ay anak ni Ina Raymundo
Ngayong araw ng Martes, June 28, 2022, nag-photo dump si Kobe sa kanyang Instagram account ng maraming larawan nila ni Erika kasama ang ilang kaibigan habang nagbakasyon sa Bali, Indonesia.
Sweet na sweet sina Kobe at Erika sa ilang larawan, kabilang ang isa kung saan hinalikan niya sa tuhod ang rumored girlfriend.

Caption ni Kobe sa post: “from Bali with love [palm tree emoji]”
View this post on Instagram
Komento lang ni Erika sa post ay isang “relieved face emoji.”

Mayroon ding ibinahagi si Kobe sa kanyang Instagram Stories na larawan nila ni Erika na magka-holding hands.

May isa pang yakap-yakap niya si Erika.

Ang tanong marahil ngayon ng netizens: "Sila na ba?"
Unang namataang magkasama ang dalawa noong June 15, 2022 sa isang beach trip. Pero wala pa silang tuwirang pag-amin sa totoong estado ng kanilang relasyon.
Ayon sa isang article ng Candy Magazine, idini-date ni Erika noon ang model na si Chris Card bago sila maghiwalay noong 2021.
Ayon pa sa ulat, si Erika mismo ang nagkumpirma tungkol sa hiwalayan nila ni Chris sa kanyang TikTok account kasabay ng pagbura niya sa kanilang mga larawan.
Sabi pa ni Erika noon, “Yes, he cheated on me.”
Ang dating girlfriend naman ni Kobe ay isang U.S.-based musician na nagngangalang Gabrielle Current.
