Princess Punzalan reveals she had an abortion at 15: “The guy would not stand up for the baby.”

by Arniel C. Serato
Jun 30, 2022
Princess Punzalan reveals having abortion at 15
Princess Punzalan painfully recounts having an abortion: “When I was 15, I got pregnant. I had an abortion because I was afraid of my mom and because the guy would not stand up for the baby.”
PHOTO/S: Courtesy: @realprincesspunzalan on Instagram

Ginulat ng isa sa pinakamagaling na aktres ng bansa na si Princess Punzalan ang kanyang followers sa Instagram nitong nakaraang June 25, 2022, dahil sa pag-amin nito tungkol sa pagpapalaglag niya sa edad na 15.

Ayon kay Princess, nagdesisyon siyang ipalaglag noon ang kanyang dinadala dahil sa takot niya sa inang si Helen Vela, ang pumanaw nang TV and movie personality.

Ayaw rin daw pangatawanan ng lalaking nakabuntis sa kanya ang kanila sanang magiging baby.

Pagsisiwalat ni Princess, “When I was 15, I got pregnant.

"I had an abortion because I was afraid of my mom and because the guy would not stand up for the baby.”

Naging balakid daw ang pangyayari dahil pagtuntong ni Princess sa tamang edad, hindi na siya nabuntis pa.

Sa edad na 19 ay nakahanap daw si Princess ng lalaking pinakasalan siya ngunit hindi sila binayayaan ng anak.

Humantong sa hiwalayan ang pagsasama nilang iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maluha-luhang lahad ni Princess, “And then at 19, I found a guy who would marry me. For four and a half years, we tried, but I didn’t get pregnant.

"That marriage dissolved.”

Hindi man nagbanggit ng pangalan si Princess, hindi lingid sa kaalaman ng publiko na pinakasalan niya ang TV host-comedian na si Willie Revillame ngunit nauwi sa hiwalayan ang kanilang pagsasama.

Sa edad na lampas tatlumpo, nakahanap muli ng bagong karelasyon si Princess na kalaunan ay naging kabiyak niya. Pero hindi rin sila pinalad magkaroon ng sariling anak.

Ito ang nag-udyok sa kanilang mag-ampon.

Pagpapatuloy ni Princess, “And in my mid-30s, I found a man who would marry me and love me.

"We tried for 10 years to get pregnant. I didn’t get pregnant. We tried different kinds of ways to get pregnant, I didn’t.

“So we adopted. It was a long hard climb to finally find our match.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I’m so grateful that the birth mom didn’t decide to kill her 'coz right now I’m so happy with my daughter and I’m very grateful that she is in my life.”

Ang napangasawa ni Princess ay si Jay Field, na mula Michigan at isang dating commercial attaché sa US Embassy dito sa Maynila.

Naninirahan na sa Amerika ngayon si Princess kasama ni Jay at ang adopted daughter nilang si Ellie.

Nagtatrabaho ngayon si Princess bilang nurse sa isang ospital doon.

Eight years old na ngayon si Ellie na masayang-masayang pinapalaki ng mag-asawa.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Princess Punzalan painfully recounts having an abortion: “When I was 15, I got pregnant. I had an abortion because I was afraid of my mom and because the guy would not stand up for the baby.”
PHOTO/S: Courtesy: @realprincesspunzalan on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results