PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bryanboy reacts to fans’ ire over remark about V of BTS

Bryanboy to ARMYs: 'Kayo po ang nagpalaki'
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jul 1, 2022
Bryanboy and BTS V
Filipino blogger Bryanboy (left) to BTS' Armies who pummel him online for mispronouncing the name of BTS member V a.k.a Kim Taehyung (right): "Ang pinoproblem ng mga kabataan ngayon ay yung mga taong nagmi-mispronounce ng mga taong iniidolo nila. Biruin niyo, nagunaw yung mundo nila. Hurt na hurt sila, oh my god! Gumawa pa ng mga video."
PHOTO/S: @BRYABOY TIKTOK/ @THV INSTAGRAM

Sinagot ng Filipino blogger na si Bryanboy ang fans ng K-pop boy band na BTS matapos siyang paulanan ng iba't ibang komento at batikos sa social media.

Ito ay matapos niyang mag-post sa Tiktok ng video kung saan mali ang pagkaka-pronounce niya sa pangalan ng isa sa miyembro ng BTS na si V a.k.a Kim Taehyung.

Imbes kasi na Taehyung, binasa ito ni Bryanboy na "Tae-yung," na katunog ng poop o tae.

Read: Filipino blogger Bryanboy under fire for "disrespectful" remark against V of BTS

Dumagdag din sa gigil ng fans ang pagtu-tweet ni Bryanboy matapos niyang i-upload ang video at tinanong kung siya raw ba ay trending sa Twitter.

Sa magkakahiwalay na video sa Tiktok noong June 28, 2022, sunud-sunod na sinagot ni Bryanboy ang komento ng fans ni BTS V.

BRYANBOY REACTS TO FANS' COMMENTS

"Oh no! You're gonna be hated because of this [laugh emoji]," komento ng isang fan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Agad naman itong sinagot ni Bryanboy.

Tila pangangaral niya sa fan, "Inaanak, part of life naman talaga to be liked, loved, and to be hated. Normal lang 'yan. Ipo-focus ko na lang talaga yung atensiyon ko sa mga nagmamahal sa akin.

"Biruin niyo, sa dami-raming nagaganap sa buong mundo ngayon, may giyera sa Ukraine, tapos sa America naman wala nang reproductive rights, tapos sa Pilipinas ang hirap-hirap ng bansa.

"Ang pinoproblem ng mga kabataan ngayon ay yung mga taong nagmi-mispronounce ng mga taong iniidolo nila. Biruin niyo, nagunaw yung mundo nila.

"Hurt na hurt sila, oh my god! Gumawa pa ng mga video."

Dagdag pa niya, "It's not war, it's not famine, it's not poverty, it's not the oceans ang kinagagalit ng mga kabataan ngayon.

"Kung ganyan lang po kababaw yung nagpapagalit sa inyo, 'yan po yung reflection ng pagkatao niyo."

Comment of Netizen

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Isa pang comment ang sinagot ni Bryanboy sa hiwalay na video.

Sabi ng netizen: "Ang dami mo namang dinamay, tinanong ka lang kasi kung may photo ka with V sasabihin mo nalang oo or wala pinapalaki mo lang HAHAHAHA loka loka."

Paglilinaw ni Bryanboy: "Actually, hindi po ako ang nagpalaki, kayo po ang nagpalaki nun. Ang ginawa ko lang ay nag-share ng moment ng kumare ko."

Ang tinutukoy na "kumare" ni Bryanboy ay ang BLACKPINK member na si Lisa, na kasama ni V na dumalo sa isang fashion event sa Paris na dinaluhan din ng Pinoy blogger.

Patuloy niya, "Matanda na po ako, wala po akong time manood ng mga telenovela. So, hindi ko po kilala yung mga artista or sikat na tao na iniidolo ninyo.

"Hindi naman lahat, di ba? Hindi ko kilala lahat.

"Bakit kailangan niyo pa i-mention yung mga iniidolo ninyo? E, di kayo magpa-picture."

Bryanboy tiktok comment

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FAKE APOLOGY

Noon pang nakaraang araw ay hinihintay ng fans na humingi ng "fake apology" si Bryanboy.

Nag-react din si Bryanboy patungkol dito.

Ayon sa kanya, hindi na kailangang pumunta ng ibang platform dahil nasa Tiktok na siya.

Ipinakita niya ang laman ng brown na pouch na galing pa raw sa kanyang puso.

Laman ng pouch ang isang papel na may nakasulat na "Fake apology" at sa baba nito ay may nakaguhit na puso.

bryanboy apology letter

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabay tanong na, "'Yan, masaya ka na?"

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Filipino blogger Bryanboy (left) to BTS' Armies who pummel him online for mispronouncing the name of BTS member V a.k.a Kim Taehyung (right): "Ang pinoproblem ng mga kabataan ngayon ay yung mga taong nagmi-mispronounce ng mga taong iniidolo nila. Biruin niyo, nagunaw yung mundo nila. Hurt na hurt sila, oh my god! Gumawa pa ng mga video."
PHOTO/S: @BRYABOY TIKTOK/ @THV INSTAGRAM
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results