PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paul Salas on working with Christopher de Leon in Lolong

On the lead star, he says: "Sobrang proud ako para kay Ruru"
by Rose Garcia
Published Jul 2, 2022
Paul Salas in Lolong
Paul Salas on being part of series Lolong: "...dream come true kasi, first time ko rin talaga na mag-action."
PHOTO/S: @paulandre.salas on Instagram

Ilan sa mga magagandang teleserye na nagawa ni Paul Salas sa GMA-7 ay ang Descendants of the Sun at The Lost Recipe.

Ngayon naman ay ginagampanan niya ang isang mahalagang karakter sa Lolong, ang bagong prime-time series ng GMA News and Public Affairs.

Magsisimula ang Lolong sa Lunes, July 4, 2022, sa direksiyon ni Rommel Penesa.

Ayon kay Paul, kung ano man ang magagandang proyekto na natanggap niya sa Kapuso network ay ito raw talaga ang kanyang nai-imagine na magagawa niya.

Aniya, “Actually, na-imagine ko po kasi, dream ko po talaga na makagawa ng action kung hindi man sa movie, kahit sa serye.

“Parang dream come true kasi, first time ko rin talaga na mag-action. Noong una, medyo nangangapa pa ako.

"Pero, sobrang ine-enjoy ko lang ang bawat moment at nagtitiwala lang talaga ako sa production, kina Direk.

"Talagang binigay lang din nila ang tiwala nila sa akin na alam nilang kakayanin ko, at mukha namang nakaya ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mukha namang na-push ko ang sarili ko na talagang ibigay ko ang best ko.

"Sa lahat ng iba ko pang shows, parang dito lang na sobra rin akong nade-depressed.

“Kasi nga dahil din sa character ko, naisasama na rin sa sarili ko. Memorable po sa akin ang show na ito at dream come true talaga.”

PRAISES FOR RURU MADRID

Malaki ang pasasalamat ni Paul sa bida ng Lolong na si Ruru Madrid sa suporta raw nito sa kanya.

Sambit ng aktor, “Sobra, sobra.”

Sabi pa niya, “Kaya sabi ko nga, sobrang proud ako para kay Ruru. Grabe, kakaibang leader si Ruru.

"Dahil din sa kanya kaya kami nagiging ganito ka-close. At dahil din sa kanya kaya gusto naming ibigay ang best namin.

"Dahil nakikita namin siya na, naku, parang ako na yung napapagod para kay Ruru.

"Noong nakita namin iyon, ayaw rin naming mapahiya. Gusto naming pumantay kay Ru dahil alam naming mahalaga sa kanya ang show na ito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Rury Madrid with Lolong male lead Paul Salas

THANKFUL TO IAN DE LEON, MIKOY MORALES

Nakaramdam din daw si Paul ng pressure lalo na sa mga scenes kasama ang kanyang Tito Bo na si Christopher de Leon at ang veteran actress na si Jean Garcia.

Paul Salas, Christopher de Leon, Jean Garcia in Lolong

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kaya malaki ang pasasalamat niya sa co-actors sa teleserye na sina Ian de Leon at Mikoy Morales dahil pinalalakas ng mga ito ang kanyang loob.

Lahad niya, “Siguro wala akong mami-miss kasi alam ko na darating ang panahon na magba-bonding at magba-bonding din kami.

"At alam kong nandiyan lang sila at nandito ko para sa kanila. Pero special mention si Kuya Ian at Mikoy.

"Kasi si Kuya Ian, nakaka-usap ko kapag nabi-burnout na ako sa buhay. Binibigyan niya ko ng advice. Si Mikoy naman, ito yung kasama ko sa room.

"Kapag nasa set kasi, kapag may mabibigat na scene, si Tito Bo naka-ganyan na… medyo natatakot na ako. Pressured na pressured na ako.”

Si Mikoy raw ang nalalapitan ni Paul agad, “Sabi ko, ‘Mikoy, hindi ko alam ang gagawin ko.’ Hindi ko alam kung mapu-push ko ba ito?

"Natatakot na ako, si Tito Bo, si Ms. Jean, so medyo sobra, ang bibigat ng scene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So si Mikoy, nandiyan siya sa likod ko, ‘Relax, relax… Hinga ka.’ Kaya ang laki rin ng tulong.

"Tapos, yung mga tingin ni Armando [character na ginagampanan ni Christopher], nakaka-pressure talaga. Hindi ko na kayang mag-motivate.

“Sobrang isang karangalan talaga na makasama sa show na ito. Siguro yun ang mamimiss ko, yung ramdam na ramdam ko ang pressure talaga bawat eksena.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paul Salas on being part of series Lolong: "...dream come true kasi, first time ko rin talaga na mag-action."
PHOTO/S: @paulandre.salas on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results