PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sylvia Sanchez Arjo Atayde

"Ang saya-saya ng puso ng isang INA kapag nakita nya na nagtatagumpay ang Anak."
by Arniel C. Serato
Published Jul 2, 2022
Sylvia Sanchez proud of son Congressman Arjo Atayde
Award-winning actress Sylvia Sanchez to son Congressman Arjo Atayde: "Nak pahabol, sa bahay tatawagin pa din kitang Arjo o Gwapo Ogag pero sa labas tatawagin kita Cong nak hahaha ok ba yon My Congressman?"
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Walang mapagsidlan ang saya sa puso ni Sylvia Sanchez dahil nagbunga na rin ang hirap nilang dinanas nitong nakaraang campaign season.

Marami raw kasing masasakit na salita ang ibinato sa anak na si Arjo Atayde noong nagdaang kampanya.

Pero ngayon, napawi ang lahat ng ito dahil sa landslide victory ng anak sa first district ng Quezon City.

At nagsimula na sa kanyang trabaho si Congressman Arjo kahapon, July 1.

Kasabay nito ang madamdaming post ni Sylvia sa Instagram.

Kuwento ng magaling na aktres, matagal na raw pangarap ng anak na manilbihan sa mga tao.

Lahad niya [published as is], “Ang saya saya ng puso ng isang INA kapag nakita nya na nagtatagumpay ang Anak nya sa larangang gusto nya.

“Isa ako sa pinakamasayang Ina sa araw ng iyong panunumpa bilang Congressman ng Distrito Uno ng lungsod ng Quezon City.

“At sa araw na ito anak July 1, 2022 ikaw na ang official na nakaupo bilang Congressman ng Distrito Uno, walang mapagsidlan ang kagalakan ko sa tagumpay mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pinaglaban mo ang gusto mo, ang laman ng pusot isip mo at pinatunayan mong tama ka. Iba ka manindigan anak!!”

Nanumpa sa kanyang tungkulin noong June 29 si Arjo kasama ang mga local official ng Quezon City.

Dagdag pa ni Sylvia, “Habang pinapanood kita, tinatawanan ko nalang lahat ng pagod, hirap, pangungutya sayo at sa pamilya natin dahil bago ka daw at walang alam at artista lang at kung ano ano pang masasakit na salitang ipinukol sayo.

“Lahat ng yon napawi habang pinapanood kitang nanunumpa bilang Bagong Congressman ng Distrito uno.

“Napaka-proud ko sa mga oras na yon, pero bilang isang ina habang pinapanood kita, pasensya na anak, di ko maalis na manumbalik sa isipan ko na ito ang batang kinutya, pinagtawanan, nilait at hinusgahan pero wala akong nakita o narinig na pambabastos mo sa mga taong bumatikos syo, bagkus ang tanging sinabi mo lang sa akin, ‘Hayaan mo sila Mommy, wag tayong sumabay sa pambabastos nila, hindi tayo tulad nila.’"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa daw na sabi ni Arjo sa kanya, “’Basta ako andito tumakbo dahil gusto ko makatulong sa kapwa ko at mas makakatulong ako pag nasa pwesto ako. I dont want to be a good politician, I want to be a Good Public Servant.’”

"LORD, PAKIALALAYAN PO ANG ANAK KO HA."

Nangako naman siya na ang buong pamilya niya ay nakasuporta sa anak.

Saad pa ni Sylvia, “Sige anak, abutin mo lahat ng pangarap mo, gusto mong tumulong sa kapwa mo, gawin mo lahat yan. Ikalat mo sa Distrito Uno ang Respeto, Pagtitiwala, Pagmamahal,Pag aalaga, Pagpapahalaga at magtanim ka ng Kabutihan sa mga nasasakupan mo at naway Gabayan ka ng DIYOS.

“Dito lang kami lagi ni Daddy at ng mga kapatid mo na handang tumulong at aagapay sayo. Mahalin mo anak at alagaan mo ang mga bagong nagmahal at magmamahal pa sayo ang buong Distrito Uno.”

Pagmamalaki pa niya sa anak, “Kaka proud!!!! Congratulations, Congressman Juan Carlos Campo Atayde.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“LORD, pakialalayan po anak ko ha.”

Pabiro pa niyang pagtatapos, “Nak pahabol, sa bahay tatawagin pa din kitang Arjo o Gwapo Ogag pero sa labas tatawagin kita Cong nak hahaha ok ba yon My Congressman? Serve QCD1 Well anak.”

Tinalo ni Arjo sa District 1 ng Quezon City si former Congressman Onyx Crisologo.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Award-winning actress Sylvia Sanchez to son Congressman Arjo Atayde: "Nak pahabol, sa bahay tatawagin pa din kitang Arjo o Gwapo Ogag pero sa labas tatawagin kita Cong nak hahaha ok ba yon My Congressman?"
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results