Kasama sa mga Signed For Stardom Sparkle artists si Katrina Chavez na sumali sa Miss Universe Philippines 2021.
“First national pageant ko siya and luckily naka-place naman ako ng top fifty but hindi na ako naka-push to the final thirty,” umpisang kuwento ng 25-year-old Batangueña na may height na 5'5".
Si Beatrice Luigi Gomez ang nagwaging Miss Universe Philippines 2021.
Pagpapatuloy pa ni Katrina, “Sa ngayon po wala pa akong plans na mag-join ulit, but if ever man ma-feel ko ulit in my heart, of course I will join. Kasi nag-enjoy din naman po ako sa experience actually nung pageant last year.”
Bakit tila sumuko na siya agad sa pageantry; si Pia Wurtzbach ay tatlong beses sumubok bago naging Miss Universe noong 2015.
“Actually kasi po yung experience ko last year was really fun and exciting and marami rin po akong natutunan from that.
“Pero sa akin po kasi nung tinry ko yun, na-feel ko in my heart na parang I think pageantry is not for me.
“Parang there are a lot of girls na parang I think mas deserving kasi ako po parang nagpo-focus pa ako sa ibang bagay, e.
“But nakita ko yung ibang mga candidates sobrang focused nila sa ginagawa nila and ako, ako po parang medyo focused pa ako sa ibang bagay.
“Like kasi po meron akong work right now, 'tapos iyon nga po, yung ibang opportunities pa.”
A SAP consultant
Napag-alaman namin na empleyado si Katrina sa isang kumpanya sa Taguig City.
“I’m an SAP [Systems Applications and Products] consultant.
"Ano po kasi ako, e, Information Systems graduate. So nag-e-enhance kami and para yung mga clients we meet kung ano yung gusto nilang requirements sa systems nila, ganun po.”
Hindi pa raw alam ng mga kaopisina niya na pinasok na niya ang pag-aartista.
“Kasi po yung set-up namin, work from home pa. So parang hindi ko pa din po nami-meet talaga lahat ng officemates ko. So ang may alam lang yung mga close group ko lang.
“So hindi pa nila alam since newly signed pa din po ako,” sabi pa ni Katrina.
going to give 100 percent
Bilang isang Sparkle artist, ano ang gusto ni Katrina na proyektong ibigay sa kanya ng Sparkle at GMA Network?
“Ngayon po, wala po akong... kung anong ibigay nila, tatanggapin ko yun.
"Yung opportunity na yun and ime-make sure ko talaga na ibibigay ko talaga yung one hundred percent ko.
"Since I’m a newly-signed artist, gusto kong i-prove sa kanila naman na yung opportunity na binigay nila sa akin, very thankful ako dun.
"And gusto kong in exchange sa mga projects na gagawin ko soon, ibibigay ko talaga yung best ko,” ang nakangiting wika pa ni Katrina sa Zoom mediacon na ipinatawag ng Sparkle kamakailan.
