PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rochelle Pangilinan misses bonding moments with Lolong crew

Rochelle enjoyed cooking for Lolong co-stars and production staff
by Rose Garcia
Published Jul 3, 2022
Rochelle Pangilinan on bonding moments with Lolong cast and crew: “So, ganoon talaga nabuo ang bonding. Sabi rin nila, napaka-suwerte po namin, napaka-blessed namin, kasi hindi rin po kami nahirapan sa mga co-actors namin."

Aminado si Rochelle Pangilinan na noong kasagsagan ng pandemya, may takot siyang lumabas ng bahay.

Pero kinalaunan ay kinailangan niyang mag-lock in taping kahit na maiiwan niya pansalamantala ang asawa niyang si Arthur Solinap at ang anak nilang si Shiloh.

Nagbunga naman ang hirap at sakripisyo ni Rochelle para sa GMA News and Public Affairs fantasy series na Lolong, na mapapanood na simula Lunes, July 4, at pinagbibidahan ni Ruru Madrid.

“Simula nang ibigay sa akin ang show na ‘to, sa totoo lang, medyo nakakatakot siya,” lahad ni Rochelle.

“Kasi noong panahon ng pandemya, talagang nakakatakot lumabas. So sabi ko na lang, anong mangyayari? Ang dami kong tanong. Sinagot na lang akong bigla.

“Everything happens for a reason. Umiyak ako noong umalis ng bahay kasi po, may anak ako.

"Ganoon pa rin, nung pag-alis ko sa taping, kahit ilang araw, ilang buwan kami, umiyak pa rin ako. Kasi minahal ko itong team na ‘to. Palagi naman akong nagmamahal.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ROCHELLE TREASURES BONDING MOMENTS WITH LOLONG CREW

Ipinagluluto raw niya ang mga nakasama niyang co-stars at production crew sa Lolong at yun daw ang paraan niya ng pagpapakita ng pagmamahal.

“Yun ang pagpapakita ko ng pagmamahal, ang pagluluto. Alam ko, nakuha ko yung mga tiyan niyo,” biro niya.

“Pero na-miss ko talaga ang grupong ito at sinabi nga ng iba sa amin, pagdating sa bahay, ‘Uy, na-miss ko sila, ah.’”

May naging hirit pa raw sa kanya ang Mister na si Arthur Solinap. Sabi ni Rochelle na natawa, “Sabi ng asawa ko, 'parang mas gusto mo sa taping.'

Dugtong pa niya, “So, ganoon talaga nabuo ang bonding. Sabi rin nila, napaka-suwerte po namin, napaka-blessed namin, kasi hindi rin po kami nahirapan sa mga co-actors namin.

“Kasi noong panahon ng pandemya, ang lagi mong kasama ay kung sino rin ang palagi mong katabi. Malaking tulong para sa amin, kasi wala talagang pabigat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi kami nahirapang mag-adjust sa lahat, lalo na at hindi naman po madali ang ginawa naming eksena. Heavy drama, action and pagkatapos mong mapagod, babalik ka sa kuwarto mo, ikaw na lang mag-isa.

“So, hindi siya madali in terms of mentalidad, pisikal, whatever. Kaya ang pinaka-masarap do’n, busog ka.”

Ang karakter na ginagampanan ni Rochelle sa Lolong ay si Karina, isang mananahi na Atubaw.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rochelle Pangilinan on bonding moments with Lolong cast and crew: “So, ganoon talaga nabuo ang bonding. Sabi rin nila, napaka-suwerte po namin, napaka-blessed namin, kasi hindi rin po kami nahirapan sa mga co-actors namin."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results