PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Janno Gibbs curses back at basher

"Dahil sa vocal ako, alam kong may kaakibat itong kritisismo at open ako dito."
by Arniel C. Serato
Published Jul 4, 2022
Janno Gibbs lashes back at basher for cursing him
Singer-actor Janno Gibbs did not mince words in his response to basher who cursed him: “Pero kung bastos ka, marunong din ako nun, P*k*n*ng i*a mo ka!"
PHOTO/S: Courtesy: @jannolategibbs on Instagram

Niresbakan ni Janno Gibbs ang isang basher na nagmura sa kanya.

Sa Instagram ngayong umaga ng Lunes, July 4, 2022, ni-repost ng singer-actor ang screenshot ng isang Facebook post kung saan pinuna siya nito tungkol sa pagbabayad ng buwis.

Bulalas ng netizen sa kanya: “Hoy Janno Gibbs lahat tayo ay nagbabayad ng tax b*w*k*ng i*a ka moving on.”

Nag-ugat ito sa Instagram post ni Janno noong June 29 kung saan sinabi nitong mabuti pa raw ang mga mahihirap ay ligtas sa pagbabayad ng buwis, samantalang ang mga mayayaman ay maraming paraan.

Pero ang mga middle class wala raw ligtas.

Buong post ni Janno (published as is): “Bayaran nanaman ng Tax. Buti pa mahirap, walang babayaran.

"Buti pa mayaman, maraming paraan Kawawa middle class, walang takas

“Buti nlang wala, akong trabaho [rolling on floor emojis]”

Caption niya: "Buwis-et [laughing emoji]"

Janno Gibbs lashes back at basher for cursing him

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pinalampas ni Janno ang komentong ito ng basher, na base sa username ay tagasuporta ng bagong administrasyon.

Si Janno ay hayagang sumuporta kina former Vice-President Leni Robredo at former Senator Kiko Pangilinan nitong nakaraang presidential election.

Puna ni Janno, bakit daw ganun na lang kung makapagmura ang mga tao ngayon.

Kahit vocal daw siya sa mga social at political issues, hindi naman dumating sa puntong naging bastos siya sa iba.

Sabi ni Janno, “Ganito na ba talaga tayo ngayon? [disappointed faces emojis]

“Oo vocal ako sa mga social at political views ko. Pero laging mahinahon, disente at may halong komedya.”

Alam daw niyang makakalikha ng kritisismo at batikos mula sa hindi niya kasundo ang ilan niyang pahayag, at tinatanggap niya ito.

Sana lang daw, gawin namang may respeto pa rin sa hindi mo kasundo kung pupuna ang ibang tao sa kanya.

Buwelta ni Janno, “Dahil sa vocal ako, alam kong may kaakibat itong kritisismo at open ako dito. Handa ako sa masinsinang diskurso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yun nga ang pakay ko e. Basta't disente ang usapan.

“Pero kung bastos ka, marunong din ako nun, P*k*n*ng i*a mo ka!

#paumanhinsalenguahe #yunlangnaiintindihannila

Burado na sa Instagram ni Janno ang post niya tungkol sa bayaran ng buwis, na lumikha ng samu’t saring reaksiyon noon mula sa netizens.

Noong panahon ng kampanya, sinabi ni Janno na nawalan siya ng halos apat na libong followers dahil sa kanyang political views.

Read: Janno Gibbs, nawalan ng 4K followers dahil sa kanyang political views

HOT STORIES

Read Next
Read More Stories About
Janno Gibbs, hardcore fans
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer-actor Janno Gibbs did not mince words in his response to basher who cursed him: “Pero kung bastos ka, marunong din ako nun, P*k*n*ng i*a mo ka!"
PHOTO/S: Courtesy: @jannolategibbs on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results