Sumabak na sa unang araw bilang konsehal ng Cavite ang dating Goin' Bulilit star na si Nash Aguas, 23.
Pumangalawa si Nash sa nakakuha ng pinakamataas na boto sa sampung konsehal ng Cavite nitong nakaraang May 2022 elections.
Read: Nash Aguas returns to Ang Probinsyano after 7 years
Sa kanyang Instagram post noong Lunes, July 4, 2022, ibinahagi ni Nash ang litrato niyang nakaupo sa loob ng kanyang tanggapan.
Makikita sa office desk niya ang table name niya na "HON. AEIGN ZACKREY V. AGUAS" at may designation na "City Councilor."
Sabi sa caption ni Nash, "First session.
"Simula na ang trabaho.
"Our journey back to being a first class city starts today."

Si Nash ay kilalang Kapamilya star na produkto ng reality talent search na Star Circle Quest, kunsaan hinirang siyang unang Grand Kid Questor noong 2004.
Pioneer mainstay siya ng kiddie gag show na Goin' Bulilit, at tumagal siya roon mula 2005 hanggang 2011.
Napanood siya sa youth-oriented show na LUV U (2013-2016), at bumida sa teleseryeng Bagito (2014).
Ilan pa sa sinalihan niyang teleserye sa ABS-CBN ay ang The Good Son (2017-2018) at A Soldier's Heart (2020).
