Natatawang sinagot ni Miss Q&A 2018 winner Juliana Parizcova Segovia ang isang netizen na nag-comment sa kanyang post tungkol sa kinakain nilang pinya ni Ella Cruz.
Wala sina Juliana at Ella sa larawan kundi pinya at bagoong lamang ang makikita rito.
Sabi ni Juliana sa kanya post sa Facebook kagabi, July 4, 2022: “Nakain kami ni Ella Cruz ng Pinya and bagoong…Sino makikisawsaw?..go na habang fresh pa [laughing emojis]”
Isa sa mga unang nagkomentong netizen ay nilait ang mukha ng komedyante.
Ayon dito: “’Yung prutas fresh pa, ‘yung mukha mo bulok na emz”
Sinagot ito ni Juliana matapos niyang kilatisin ang profile ng nasabing commenter.
Tanong niya rito: “Bakit nakaliyad mukha mo?”

Binura ng netizen ang kanyang komento pagkatapos putaktihin ng supporters ni Juliana.
Nadamay si Juliana sa isyu kay Ella dahil masugid itong nagsi-share ng mga dumidepensa sa co-Viva artist niya.
Laman ngayon ng balita si Ella dahil sa pahayag nito sa isang interview na "history is like tsismis."
Read: Ella Cruz draws flak for calling history "tsismis"; Xian Gaza posts open letter to her
Naitanong kay Ella ang tungkol sa history dahil sa papel niya bilang Irene Marcos sa pelikulang Maid in Malañanang ng kontrobersiyal na direktor na si Darryl Yap.
Ayon sa mga nasa likod ng pelikula, ipapakita rito ang mga huling sandali ng pamilya Marcos sa Malacañang bago sila mapatalsik sa kapangyarihan noong February 1986.
Sa isang interview ni MJ Marfori kay Ella para sa One PH ng Cignal TV Entertainment, inusisa niya si Ella tungkol sa mga Marcos.
Tanong ng entertainment reporter ng TV5: "Upon accepting the project, siyempre meron ka nga ‘no pinag-usapan sa school, di ba, sa mga Marcoses at kung anu-ano pa. Ano ang punto de bista as an actress? Ano ang point of view mo?”
Buong sagot ni Ella: “History is like a chismis. It is filtered and dagdag na rin, so, hindi natin alam what is the real history. Andoon na iyong idea, pero may mga bias talaga. As long as we’re alive. At may kanya-kanyang opinion. I respect everyone’s opinion.”
Dagdag ni Ella patungkol sa pinagdaanan ng mga anak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.: "Kasi struggling na, e, last three days! Kahit naman sila struggling even right now, di ba?
"So, paano kaya iyon na there [was] so much pressure on their side during those times?"
MARTIAL LAW DURING MARCOS REGIME
Ang ama ng kasalukuyang pangulo na si Ferdinand "Bongbong" Marcos na si Ferdinand Edralin Marcos Sr. ay nanungkulan bilang Presidente sa loob ng 21 taon, mula 1965 hanggang 1986.
Tinaguriang diktador ang nakatatandang Marcos gawa ng batas militar na ipinatupad nito mula September 21, 1972 hanggang January 17, 1981.
Bagamat 1981 ang official lifting ng martial law, nanatili ang mga Presidential Decrees ni Marcos hanggang 1986.
Napatalsik ang diktaturya ni Marcos nang maganap ang makasaysayang EDSA Revolution o People Power noong February 1986.
Inilikas siya ng gobyerno ng Estados Unidos papuntang Hawaii upang makaligtas sa poot ng mga taong dumagsa sa Malacañang.
Mula 1972 hanggang 1981, ayon sa 1982 report ng Amnesty International, 70,000 katao ang ikinulong, 34,000 ang pinahirapan o na-torture, at 3,240 ang pinatay sa Pilipinas.
Ang Amnesty International ay isang non-profit global movement ng mahigit 7 milyong kataong nangangampanya para sa isang mundo kunsaan ang human rights ay tinatamasa ng lahat.
