Lumabas na naman ang pagiging witty ng "Queen of Creative Collaborations" na si Heart Evangelista.
Ngayong gabi ng Martes, July 5, 2022, nag-post si Heart ng kanyang larawan suot ang modern “Filipiniana.”
Ayon sa kanyang caption, “My kind of Filipiniana by my darling @cheetahriverastudioPH”
View this post on Instagram
Ayon sa designer na si Cheetah Rivera, “Santiago” ang pangalan ng kanyang disenyo. Ipinangalan daw nila ito kasunod ng namayapang senador na si Miriam Defensor-Santiago, na naging malapit kay Heart.
Sabi niya sa post, “Meet ‘Santiago.’ A bespoked modern-day terno paired with a floral appliqué micro-mini dress adorned with embroidered ‘mariposa’ of varying shades and sizes by our local artisans.
“This piece is a tribute and a celebration of the strength of a Filipina. Aptly named after the late Senator Miriam Defensor Santiago.
“Watch as ‘Santiago’ fly and unfold as worn by the one and only @iamhearte
“Mabuhay ang Terno! Mabuhay ang lahing Filipino!”
View this post on Instagram
Libu-libo kaagad ang nag-heart sa post ni Heart at karamihan dito ay pinuri ang ganda at husay ng pagdadala niya sa damit.
Isang netizen naman ang nagtanong kay Heart: “Mareng Heart ano lang nanaman laman ng bag mong expensive? [crying emoji]”
Napansin ito ni Heart.
Birong sagot niya: “peace of mind and confidence po”

Kinagiliwan ng maraming followers ni Heart ang kanyang kasagutan.
Nitong mga nagdaang mga linggo at buwan, nakabantay ang netizens sa bawat kilos ni Heart.
Namamangha sila sa mga post ni Heart kung saan kahit ang mga simple niyang kagamitan ay branded.
Ilan sa mga ito ay ang kanyang Chanel hangers at candles na ayon sa netizens, nagpamukha sa kanila ng kahirapan.
