Proud mama si Pops Fernandez, 55, nang bisitahin niya ang anak na si Ram Nievera sa bagong venture nito na isang kilalang sandwich fast food outlet sa Henderson, Nevada.
Read: Pops Fernandez, naka-bonding ang past at present loves ni Martin Nievera
Sa video na ipinost ni Pops sa Instagram noong July 1, 2022, makikitang bumaba siya sa sinakyang SUV sabay pumasok sa fast food outlet kunsaan si Ram ang personal na nag-prepare ng sandwich ng singer-actress.

Pagkatapos ay masayang nagkuwentuhan ang mag-ina habang kumakain ng kani-kanilang sandwich.

"Had a sweet 'date night' with the sandwich artist," saad ni Pops sa caption ng kanyang post.
May netizen na pumuna na "forever pacute" daw si Pops sa kilos nito.
Payo pa ng netizen, "act ur age once in a while but i am still a fan hahaha."
Tila hindi naman na-offend si Pops at suwabeng sinagot ang netizen na "i am" kalakip ng smile emoji.

May mga nagtanggol kay Pops na umaarte ayon sa edad ang singer-actress, at "rude" daw ang pagpuna sa kilos nito.
Depensa ng netizen, wala siyang masamang intensiyon sa sinabing "act your age" dahil fan naman daw siya ng singer-actress mula noong '80s.

May isa pang netizen na pumansin na hindi raw talaga kinain ni Pops ang sandwich na hinanda ng anak.
Sagot ni Pops, kita sa video na kinain niya ang sandwich.

Dalawang netizen lang naman ang pumuna kay Pops, at karamihan sa nag-iwan ng komento ay natutuwa sa closeness ni Pops at anak na si Ram.
Patunay raw iyon na maganda ang pagpapalaki ni Pops sa anak.
Narito ang ilang komento ng netizens:



Si Ram ang panganay sa dalawang anak ni Pops sa dating asawa na si Martin Nievera; ang isa pa ay si Robin.
