Watch Now

Sen. Bato dela Rosa quashes rumor he owns luxury watch worth millions of dollars

by Arniel C. Serato
Jul 6, 2022
bato dela rosa gretchen barretto
Senator Bato dela Rosa (left) reveals his P11-K worth watch (lower center) after making headlines last March 2022 about his alleged luxurious Patek Philippe x Tiffany & Co. Nautilus (upper center) according to Gretchen Barretto (right).
PHOTO/S: Facebook / Instagram

Nagsalita na si Senator Ronald “Bato” dela Rosa tungkol sa isyung nagmamay-ari umano siya ng mamahaling relo.

Kahapon, July 5, 2022, ibinahagi ni Senator Bato sa kanyang personal Facebook account ang larawan niyang may suot na Seiko watch na kamukhang-kamukha ng Patek Philippe x Tiffany & Co. Nautilus.

In-appraise ito ng WatchspotterPH, isang account sa Instagram na nagtatampok ng mga relo na pagmamay-ari ng mga sikat na personalidad.

Isa na nga rito ang relo ni Senator Bato.

Ayon sa post, nagkakahalaga lamang ang relo ng mambabatas ng P11,000.

Buong caption ng post: “Ronald Marapon dela Rosa, also known as Bato, is a Filipino politician and retired police officer who is currently serving as a senator of the Philippines with his SEIKO MOD to look like a Patek Tiffany & Co.

“Price: 11,000 PHP
“Market Value: 11,000 PHP”

Ayon sa senador, mukhang na-wow mali ang mga nanghusga sa kanya noon.

Sabi niya sa kanyang post sa Facebook, “Sa mga ul*l dyan na marites, naisahan ko rin kayo!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung relo ko na seikopatik na 14k php ginawa ninyong patek philippe na 360m php. Ha ha ha”

Sa comments, section, tinanong siya ng social media personality na si Senyora kung ano ang tsismis sa likod ng kanyang post.

Paliwanag ni Senator Bato, limited edition ang Patek Philippe Tiffany Blue na may market value na $6.5 million o katumbas ng P357,500,000 million (sa palitan ng peso to dollar ngayon na P55).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang tinutukoy marahil ng senador ay ang presyo sa auction dahil ang original price nito ay nasa $52,635 o P2,894,925 million (sa palitan ngayon).

Ngunit wala na sa market ang Patek Philippe Tiffany Blue dahil 170 lamang ang ginawang ganitong model ng Swiss watchmaker na sumisimbolo sa 170 taon ng partnership ng Patek Philippe at Tiffany & Co.

Buong sagot niya: “Senyora, yang relo na yan ay kinopya ng seiko sa patek philippe tiffany blue na nagkakahalaga ng 6.5m dlrs at wala ka pang mabili dahil limited edition.

“May umuwi galing japan na dala dala yan at ibinenta sa akin sa halagang 14k. Heto na ngayon kumagat ang mga intrigero. Swak sila. Ha ha ha”

Bato dela Rosa shows his

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa unang tingin, magkamukhang-magkamukha ang Seiko MOD na suot ni Senator Bato at ang Patek Philippe x Tiffany & Co. Nautilus.

Bato dela Rosa shows his

IS HE ALLUDING TO GRETCHEN BARRETTO?

Isa sa mga unang nakapuna sa suot na relo ni Senator Bato sa Senate hearing noong Marso 2022 tungkol sa nawawalang 34 katao na sangkot umano sa game fixing sa e-sabong ay ang aktres na si Gretchen Barretto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang negosyanteng si Atong Ang ay isa sa resource person—malapit na business partner ni Gretchen—na ipinatawag sa Senado dahil sa alegasyong sa kanyang sabong arena huling nakita ang ilan sa diumano'y missing sabungeros.

Pag-aari ni Atong ang Lucky 8 Star Quest Inc., ang gaming firm ng e-sabong operations na kumikita ng gross bets na "PHP1B to PHP2B" kada araw o "PHP60 billion" kada buwan.

Si Gretchen ay sinasabing miyembro ng Team Alpha ng Pitmaster group, na isa sa sabong brand ng Lucky 8 Star Quest Inc.

Si Dela Rosa ang chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na nagsisiyasat sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Sa Instagram Stories ni Gretchen noong araw na yun ng hearing, makikitang kinunan niya ng video ang takbo sa pagdinig.

"Get down to business, Bato. Stop grandstanding. Just get down to the investigation," maririnig na saad ni Gretchen habang nakapokus ang camera sa mukha ni Senator dela Rosa sa livestreaming ng Senate hearing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patutsada pa ni Gretchen: "Ang mahal ng relo ni Bato. Saan kaya nanggaling? My god! A senator has that much! Oh my gosh."

Read: Gretchen Barretto to Senator Bato dela Rosa: "Ilabas natin yung mga talpak mo kaya."

Sa panayam ng SMNI News, iginiit ni Dela Rosa na may karapatan din siyang magmay-ari ng mamahaling relo.

Aniya, “Yung unang-una sabi niya mahal daw yung relo ko. Bakit siya lang ba may karapatan na magsuot ng P85K na halaga ng Tag Heuer na relo?

“Bakit hindi pala ako puwede? Mahal talaga yun para sa akin, pero sa kanila, ewan ko kung talagang totoong mahal sa kanila.”

Read: Senator Bato dela Rosa denies Gretchen Barretto's talpak accusation; Gretchen threatens to show evidence

Burado na ang Instagram account ni Gretchen ngayon.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Bato dela Rosa (left) reveals his P11-K worth watch (lower center) after making headlines last March 2022 about his alleged luxurious Patek Philippe x Tiffany & Co. Nautilus (upper center) according to Gretchen Barretto (right).
PHOTO/S: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results