PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cai Cortez happy to be part of show that she can watch with her kids

Cai Cortez prays for a First Lady sequel
by Rommel Gonzales
Published Jul 10, 2022
Cai Cortez with kids Carmen and Bibo
Cai Cortez (with kids Carmen and Bibo) feels proud to be part of the fifth anniversary special of the GMA-7 drama fantaserye, Daig Kayo Ng Lola Ko, a show that her kids enjoy watching.
PHOTO/S: @caicortez on Instagram

Itinuturing ni Cai Cortez na isang karangalan na mapabilang sa 5th anniversary episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko.

Kuwento ng aktres, “It’s such an honor talaga kasi bukod sa, alam mo yun, it’s always wonderful na magkaroon ng trabaho, di ba, lalo na sa panahon ngayon.

“Malaking bagay din sa akin na mapasama sa Daig because, siguro pangatlo ko na itong Daig, e, and it’s always a wonderful experience not only because of the director, si Direk Rico and all the staff, but also because yung mga anak ko talagang pinapanood nila!"

Masaya si Cai na napapanood siya ng kanyang mga anak dahil pambata ang show.

Pagpapatuloy niya, “Hindi na sila masyadong nanoood ng TV, e, kasi kontrolado nila sa iPad nila, yung YouTube ganyan.

"Ngayon pag napapadaan yung Daig na kasama ako sa YouTube nila, parang dun sila na-i-starstruck na natutuwa kasi pambata din yung show.

“So, more so para sa kanila na nae-excite ako meron silang mapapanood na bagong Daig and lalo pa anniversary special, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WORKING WITH NEW FRIENDS

Ang 5th anniversary episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko ay pinamagatang "Bida Kontrabida."

Gaganap dito si Cai bilang Sea Witch, at kasama niya sina Rufa Mae Quinto (Evil Queen), Andre Paras (Big Bad Wolf), at Jo Berry (Rumpelstiltskin).

“Ang hirap mag-take kasi puro tsikahan,” ang tumatawang kuwento ni Cai tungkol sa experience niya sa set ng show.

“Nakakataba ng puso at ang gandang experience, especially meeting new friends na nakakaloka dahil parang hindi kami nagtatrabaho dahil napakasaya lang sa set."

Nasabi ni Cai na “meeting new friends” dahil unang beses niyang nakatabaho sina Rufa Mae, Andre, at Jo.

“Yes po, opo. Well, si P-chi, si Rufa Mae, nakasama ko sa Family Feud a few weeks ago. Pero magkalaban kami dun e, so hindi kami masyadong nakatsika.

“Ito talaga yung from umaga hanggang gabi, hanggang puyatan, hanggang sa 'sabawan' e talagang nakasama ko sila," masaya niyang saad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inilarawan naman niya si Andre bilang "sobrang gentleman."

Tungkol naman kay Jo, "Sobrang sweet, sobrang bait po ni Jo. Nakakatuwa and gusto ko talagang i-keep as a friend, if not as a souvenir. Charot! Binag, dinisplay si Jo!” At tumawa si Cai.

"Kaya talagang ano, easygoing lang yung shoot na ‘to and it’s really magandang memory sa showbiz career ko po.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cai at ang iba pang cast members ng "Bida Kontrabida" noong July 5, 2022, sa Zoom mediacon na ipinatawag ng GMA para sa fifth anniversary ng Daig Kayo Ng Lola Ko.

Mapapanood ang "Bida Kontrabida" simula July 10, alas siyete ng gabi. Eere ito ng apat na Linggo: July 10, 17, 24, at 31.

LOOKING BACK AT FIRST LADY FINALE

Samantala, katatapos lamang umere ng finale ng First Lady kung saan isa si Cai sa mga cast members.

Ano ang masasabi ni Cai na kahit sa pinakahuling episode nila ay namayagpag ang mataas na rating ng First Lady?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Nakaka-proud po talaga,” bulalas ni Cai. “Kasi ito yung isa sa mga projects na masasabi kong dahil two years kaming araw-araw halos nasa isang lugar lang di ba, we live together.

“Ang longest po namin na lock-in is two months. So, to see yung hard work po ng lahat sa last few episodes lalo pang nakaka-overwhelm po talaga kasi… hindi ko masyadong matanggap na tapos na!

“Di ba? Na magbabago na yung buhay namin, we’ll have new other lives, may ibang mga pinagkakabisihan."

Maganda raw ang naging timing ng pag-guest niya sa Daig Kayo Ng Lola Ko.

Pagtuloy niya, “Itong Daig came at a very good time dahil it showed me na, alam mo yun, kahit walang First Lady, there’s still a chance to meet new people and make new families and create new beautiful creative shows.”

May Book 3 ba ang First Yaya at First Lady, na pinangunahan nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dasal niya, “Naku, sana po! Lahat po kami naka-cross ang fingers, toes and hair para po magkatotoo iyan!

“So abangan po natin kung papalarin po tayong magkaroon ng Book 3.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cai Cortez (with kids Carmen and Bibo) feels proud to be part of the fifth anniversary special of the GMA-7 drama fantaserye, Daig Kayo Ng Lola Ko, a show that her kids enjoy watching.
PHOTO/S: @caicortez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results