Humingi ng dispensa si Janno Gibbs sa kanyang Instagram followers dahil sa malimit niyang pagpo-post tungkol sa social issues at usaping pampulitika.
Ayon sa singer-comedian, ginawa niya ito upang masabi ang saloobin ng ibang netizens na takot maghayag ng kanilang kuru-kuro at opinyon tungkol sa mga nangyayari sa lipunan.
Nalulungkot daw kasi siya sa mga nangyayari sa bansa.
Pero muli na raw siyang magpo-post ng good vibes content.
Buong pahayag niya sa Instagram ngayong araw, July 7: “Nais ko pong humingi ng paumanhin sa mga followers ko na nagsasabing puro social at political ang posts ko lately.
“Ito pong July ay magiging busy napo ako uli sa showbiz.
“May bago po akong mga movie at kanta.
“Gusto ko lang po maghayag ng gustong sabihin ng iba ngunit di masabi.
“Sadyang nakakalungkot lang talaga ang mga nangyayari sa bansa.
“Ibabalik ko na din po ang posts ko na good vibes.”
View this post on Instagram
Nitong nakaraang July 4, minura rin ni Janno ang isang basher na nagmura sa kanya.
Nag-ugat ito sa Instagram post ni janno noong June 29 kung saan sinabi nitong mabuti pa raw ang mga mahihirap ay ligtas sa pagbabayad ng buwis, samantalang ang mga mayayaman ay maraming paraan.
Pero ang mga middle class, wala raw ligtas.
Read: Janno Gibbs curses back at basher over now-deleted post about paying taxes
Burado na pareho ang mga post na ito ni Janno sa kanyang Instagram feed.
