Hindi nakapagpigil si Kim Domingo, 27, laban sa K-pop “toxic fans” matapos siyang pagbintangang sumingit para makabili ng tickets sa fan meet ng Korean idol na si Cha Eun-woo.
Magkakaroon ng fan meet sa Pilipinas si Cha Eun-woo, South Korean actor at ASTRO member, sa August 6.
Madaling-araw pa lang daw ay nakapila na si Kim para bumili ng tickets noong July 2, 2022.
Wala raw siyang tulog at galing pa sa taping ng upcoming Kapuso Filipino adaptation ng K-drama na Start-Up.
Read: Meet co-stars of Bea Alonzo and Alden Richards in GMA-7’s Start-Up adaptation
Pero nang siya na raw ang bibili ng ticket, pinaringgan daw siya ng ibang nakapila at nagreklamo kung bakit siya pinapasok.
Naglabas ng hinaing ang Kapuso actress via Facebook post noong July 2.
Himutok ni Kim (published as is): “Para sa mga toxic fans at hanap butas nalang na mga kapwa ko Pilipino.
“Hanap butas nalang yung iba kasi hindi matanggap na pumila talaga ako? Sobrang babaw nyo po.
“Unforgettable experience ito para sa akin since first time ko pumila at manood ng fan meeting pero para sa iba, laro laro ko lang.
“Minsan kapwa pilipino mo pa maghihila sayo pababa. Sad pero yun ang totoo.
“Ang dami po tao na nakakita sakin, tapos sasabihin nyo connected ako sa organizer kaya naka reserve na at drama lang ang lahat?
“Dami nyo pong karga na negativity. Grabe po. Lahat binibigyan nyo issue.
“Sana tanggalin nyo yan sa buhay nyo. Hindi sya nakaka attract ng blessings.
“Promise gagaan pasok ng blessings kung hindi puro galit ang papairalin nyo.
“Wag po ganon. Maging masaya po tayo sa kaligayahan ng ibang tao. Wag po tayo maging makasarili.”
KIM RECOUNTS she CAME FROM START-UP TAPING
Idinetalye ni Kim ang mga kaganapan noong araw na iyon bago ang insidenteng pagpaparinig sa kanya.
Mula raw sa Start-Up taping, “dumiretso ako ng gateway 3am palang, kasama ko iba kong friends, kalat kalat pa ang pila that time.”
Nadatnan daw niyang walang maayos na pila at grupo-grupo ang mga tao.
Nang magkaroon ng maayos na pila, nagsabi raw si Kim sa mga nakapilang kaibigan na magpapahangin muna sa kotse dahil hindi maganda ang pakiramdam niya.
Kuwento niya, “Nahiya pa ako umalis kasi iniisip ko baka pagbalik ko sabihin sumingit ako pero since may nafefeel na ako na kakaiba…
“May mga nahilo na din po sa pila na kailangan pa attendan ng ambulance/ emergency personnel kaya natakot ako sabi kotse muna ako."
Hindi nagtagal, bumalik din sa pila si Kim.
Pinapasok daw sila sa cinema bilang standby area bago makabili ng ticket. At ang bawat nakapila ay may hawak na number.
Nang si Kim na raw ang bibili ng ticket, “Paglapit ko doon, may nagalit sa pila bakit daw ako pinapasok samantalang sila kanina pa nakapila.”
Sumagot daw si Kim.
“Sabi ko sa mga andoon, paano po yon meron ako number eh at lahat ng bumili ng tickets may number, at kanina pa ako madaling araw din.
“Bakit parang ako lang napansin? Yung mga nauna sakin hindi?”
Dismayado si Kim sa paratang na gumamit siya ng impluwensiya para makabili ng ticket.
Sabi niya, “Bakit po kaya ganon? Dahil ba artista ako?
"Pakiramdam nitong mga tao na ito hindi kaya mag effort ng isang artista? Just for the camera lang sakanila ang lahat.”
Naglabas daw ng saloobin si Kim dahil kinailangan pa niyang magpaalam sa taping para pumila at bumili ng ticket.
“Ang dami nagsasabi sakin ‘Kim bakit ka pa pipila hindi ba pwede magpabili ka nalang?’ sabi ko hindi po talaga dahil gusto ko ako po mismo ang pipila.”
Sa kanyang Instagram post, may isa ring netizen ang nagbintang na hindi raw niya nakita ang aktres na pumila.
Sagot ni Kim: “Nasa cinema kami, row by row ang pagtawag. 5 tix per person and kasama ko friends ko nakabili din sila dahil kasama ko sila manonood.
“Sana sumilip ka sa cinema. 3am nasa gate na ako lol”

Samantala, sa comments section ay may ibang K-pop fans ang kumampi kay Kim at nagpatotoo na nakita at katabi nilang pumila ang Kapuso actress.
