PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angelika and Mika dela Cruz's Malabon house robbed

"Salamat din po sa Diyos at walang nangyaring masama sa Mommy ko at kay Mika."
by Arniel C. Serato
Published Jul 8, 2022
Angelika dela Cruz house in Malabon robbed
Actress and politician Angelika dela Cruz (left) confirms their house in Malabon was robbed. Her sister Mika dela Cruz (right) quickly reported the incident to authorities that resulted to the arrest of the suspect.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Nilooban ang bahay ng actress-politician na si Angelika dela Cruz sa Malabon.

Si Angelika ay kasalukuyang barangay captain ng Barangay Longos sa nasabing siyudad.

Ayon sa ulat ng Daily Tribune, madaling-araw ng Biyernes, July 8, 2022, nangyari ang insidente.

Base sa salaysay ng barangay tanod, bandang 2:30 ng madaling-araw nangyari ang panloloob sa bahay nina Angelika sa Sitio Pinagsabugan, Barangay Longos.

Mabuti na lamang daw at gising pa ang kapatid ng aktres na si Mika dela Cruz at nakilala nito ang suspek na isang nagngangalang Steven Ramos mulasa Navotas.

Hinalughog daw ng supsek ang kanilang mga kagamitan sa kalapit na kuwarto.

Angelika dela Cruz house in Malabon robbed

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pumasok daw kaagad si Mika sa kanyang kuwarto at tumawag ng saklolo mula sa awtoridad na humantong sa pagkahuli ng suspek.

Kinumpirma ni Angelika ang balitang ito.

Sa pamamagitan ng Facebook, ipinarating ng aktres ang kanyang pasasalamat sa mga tanod at pulisya na kaagad kumilos upang masaklolohan ang kapatid at ina.

Ipinagpasalamat din niyang ligtas ang mga ito.

Aniya, “Sa mga nagtatanong po totoo po yan .. nagpapasalamat po ako sa mga Tanod ng Barangay Longos at mga pulis sa agarang responde at nahuli po ang tao. Salamat din po sa Diyos at walang nangyaring masama sa Mommy ko at kay Mika”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nitong nakaraang June 7, nakatanggap si Angelika ng banta sa buhay at apat na piraso ng bala ng baril na ipinadala sa kanilang bahay.

Read: Angelika dela Cruz receives death threat and four bullets

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress and politician Angelika dela Cruz (left) confirms their house in Malabon was robbed. Her sister Mika dela Cruz (right) quickly reported the incident to authorities that resulted to the arrest of the suspect.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results