PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

G Tongi calls bashers "gullible, mga tanga" over wrong info

"Just coz a prior article is wrong doesn’t discredit my experience. Mga tanga!”
by Arniel C. Serato
Published Jul 8, 2022
G Tongi calls her bashers "mga tanga"
G Tongi in "bardagulan" mode with her bashers after sharing her two cents about Ella Cruz's "history is like tsismis" comment.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Tinawag na "mga tanga" ni G Tongi ang netizens na kumuwestiyon sa kanyang claim na nagmartsa siya sa EDSA People Power Revolution noong February 1986 sa edad na walo (8).

Ngayong hapon ng Biyernes, July 8, 2022, pinuna niya ang mga taong naniwala sa isang lumang artikulo na nagsabing "15 years old" na siya nang umuwi sa Pilipinas kasama ang kanyang ina.

Buong pahayag ni G: “Why are people so gullible? I was at People Power, when the Marcos authoritarian family was ousted out of power. I was a student in De La Salle Zobel at the time living in Paranaque.

"Just coz a prior article is wrong doesn’t discredit my experience. Mga tanga!”

G Tongi calls her bashers

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pahayag na ito ay G ay nag-ugat sa reaksiyon ng ilang netizens sa anila’y medyo sablay na komento ng dating aktres at VJ tungkol kay Ella Cruz.

Nagbigay ng reaksiyon si G sa Twitter noong July 5 tungkol sa “history is like tsismis” statement ni Ella.

Kaugnay ito sa sagot ni Ella tungkol sa history dahil sa papel niya bilang Irene Marcos sa pelikulang Maid in Malañanang ng kontrobersiyal na direktor na si Darryl Yap.

Ayon sa mga nasa likod ng pelikula, ipakikita rito ang mga huling sandali ng pamilya Marcos sa Malacañang bago sila mapatalsik sa kapangyarihan noong February 1986.

Sabi ni Ella: “History is like a chismis. It is filtered and dagdag na rin, so hindi natin alam what is the real history. Andoon na iyong idea, pero may mga bias talaga. As long as we’re alive. At may kanya-kanyang opinion. I respect everyone’s opinion.”

Read: Ella Cruz draws flak for calling history "tsismis"; Xian Gaza posts open letter to her

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para kay G, hindi niya matanggap na isawalang bahala na lamang ang history ng EDSA uprising noong February 1986 na nagpabagsak sa rehimen ng dating Pangulo at diktador na si yumaong Ferdinand Marcos Sr.

Katuwiran pa ni G, kasama siyang nakimartsa ng libu-libong tao sa EDSA noong walong taong gulang pa lamang siya.

Mensahe niya: “@itsEllaCruz actors don’t need to justify the villainy of their roles.

"I would to share with you how at 8 years old in 1986, I marched to the streets, along with countless others who r part of a history you are dismissing as here say.

"Wag nak’! It feels like erasure. Di Tama!”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NETIZENS SHARE AN OLD ARTICLE ABOUT G

Hindi pinalampas ng ilang netizens ang komentong ito ni G at naghalungkat pa ng maibabato nila rito.

Sa comments thread ng kanyang post sa Twitter, sunud-sunod na ibinahagi ng netizens ang screenshot ng lumang artikulo tungkol kay G na lumabas sa Philippine Daily Inquirer.

May titulo itong “Tongi waits in the wings.”

Binilugan pa nila ang isang paragraph dito na tila sumasalungat sa sinabi ng aktres na nagmartsa siya sa EDSA revolution noong February 1986 sa edad na walo (8).

Nakasaad sa artikulo na labinlimang taon (15) gulang na siya umuwi ng Pilipinas kasama ng kanyang inang Pilipina.

Nakalagay sa artikulo: “Giselle was born in France to a Swiss father and a Filipino mother. She was raised by her mom in New York and came to live with her in Manila when she was 15.”

G Tongi calls her bashers

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Komento ng isang netizen, “Did EDSA was extended to New York before? We're not informed...”

"Nge how’d you walk in the streets when you were 8 when you came here when you’re 15? Ka char," sabi naman ng isa pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Puna pa sa kanya ng isang netizen, "Gurl, isa ka rin palang sinungaling tulad ng mga sinasamba mo."

Marami pang kaparehong komento ang naibato kay G sa kanyang post.

Dito nanggaling ang kanyang pagtawag sa mga ito na "gullible" at "mga tanga," dahilan upang bumuwelta ang aktres sa mga naniwala sa mali umanong impormasyong nakalagay sa artikulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
G Tongi in "bardagulan" mode with her bashers after sharing her two cents about Ella Cruz's "history is like tsismis" comment.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results