Ruffa Gutierrez denies accusation she fired two househelps without paying their salaries

by Arniel C. Serato
Jul 8, 2022
Ruffa Gutierrez denies accusations that she fired her helpers without giving them their salaries
Ruffa Gutierrez: "Let me make it clear po: I did NOT fire anyone. They wanted to leave on their own accord."
PHOTO/S: Courtesy: @iloveruffag on Instagram

Mariing pinabulanaan ni Ruffa Gutierrez na tinanggal nito sa trabaho ang dalawa niyang kasambahay at hindi pa raw binayaran ang kanilang mga sahod.

Ito ang tugon ni Ruffa sa tanong sa Twitter ni former Comelec Commissioner Rowena Guanzon ngayong araw, July 8, 2022.

Si Guanzon din ang number one nominee ng Komunidad ng Pamilya, Pasyente at Persons with Disabilities o P3PWD party-list.

Una muna itong idinaan ni Guanzon sa isang blind item tungkol sa dalawang kasambahay na pinalayas umano ng kanilang mga amo nang hindi ibinibigay ang suweldo.

Tweet niya kagabi, July 7, “My friend has to rescue two household helpers who were thrown out of a first class village by their employers without paying their salaries. Where is your compassion?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makalipas ang halos isang araw, diniretso na ni Guanzon si Ruffa.

Tanong niya (published as is): “Ms Ruffa Gutierrez is is true?”

Tumugon kaagad dito si Ruffa.

Sinabi ng aktres na wala itong katotohanan.

Lahad ni Ruffa, may insidenteng nangyari sa kanyang bahay habang nasa set siya ng pelikulang Maid in Malacañang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Diumano, ang dalawang bagong kasambahay — na dalawang linggo pa lang sa kanyang pamamahay — ay pinagtulungang awayin ang kanyang mayordoma na nagsisilbi na sa kanya ng halos labinwalong (18) taon.

Paglilinaw ni Ruffa: “Hello Ms. Guanzon, No it’s not true.

"There was a situation at home while I was shooting on the set of 'Maid In Malacañang', so my staff had to call security to make sure my children were safe.

“The 2 new kasambahays who have been in our household for only around 2 weeks were fighting our 68-year old senior mayordoma (who has been under my care for more than 18 years).”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa sa aktres, Kapag wala siya sa bahay ay nang-aaway ang dalawang kasambahay ng kanilang kasamahan. Nais na rin daw ng mga itong umalis na sa kanyang bahay.

Bilin daw ni Ruffa, huwag munang umalis ang mga kasambahay habang wala siya dahil nais niya itong kausapin.

Aniya, “Nang-aaway po sila sa ibang mga kasamahan sa bahay ng wala po ako. They were demanding to leave the house, which I said they were able to do AFTER I returned home from work, so I could talk to them before they leave.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Giit ni Ruffa, wala siyang tinanggal na kasambahay.

Ayon pa sa kanya, generous siya sa mga taong mahal niya at mga nagtatrabaho sa kanya kaya nagtatagal ang mga ito.

Nasa abogado na rin daw niya ang nasabing usapin.

Mensahe ni Ruffa: “Let me make it clear po: I did NOT fire anyone. They wanted to leave on their own accord.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I have rarely been home shooting everyday, all day, all night for #MAIDinMALACANANG...

“I’m always very generous with those I love and those that work for me kaya most of our helpers have been with me for 13-35 years. We are FAMILY.

“Through thick and thin, ika nga. My lawyers are on top of the situation. Thank you and have a great day po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala pang reaksiyon si Guanzon sa paliwanag ni Ruffa.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruffa Gutierrez: "Let me make it clear po: I did NOT fire anyone. They wanted to leave on their own accord."
PHOTO/S: Courtesy: @iloveruffag on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results