Natagpuang walang buhay habang nakalutang sa dagat ang katawan ng sikat na manga artist na si Kazuki Takahashi.
Ayon sa ulat ng The Japan Times, noong July 6, 2022 nakita ang bangkay ni Kazuki sa karagatan ng Nago City, Okinawa Prefecture, Japan.
Wala nang buhay nang marekober ang bangkay nito na nakasuot pa ng snorkelling gear.
Sa huling ulat ay nagsasagawa na ng awtopsiya ang Nago City Coast Guard at mga pulis upang malaman ang sanhi ng pagkamatay ni Takahashi.
Nakilala si Takahashi sa likha niyang animé series na Yu-Gi-Oh!.
Noong 1996 nang simula itong ilabas sa Weekly Shonen Jump, isang Japanese anthology na naging tahanan din ng mga sikat na anime series tulad ng Dragon Ball at Demon Slayer.
Mas lalong sumiklab ang kasikatan ng Yu-Gi-Oh! sa buong mundo taong 2000 matapos itong makabenta ng mahigit 25 bilyong cards set.
Dahilan upang mapasama ito sa Guiness World Records at makamit ang titulong "Best-selling trading card game" noong 2011.
