Nagbigay ng pahayag si Lotlot de Leon, 51, kaugnay ng pagkilala sa kanyang inang si Nora Aunor, 69, bilang National Artist for Film noong Hunyo 2022.
Kasabay ng paggawad sa Superstar ng prestihiyosong National Artist recognition ay ang napaulat ang pagbabati nila ng panganay na anak niyang si Lotlot.
Hindi lingid sa kaalaman ng marami na naging matagal ang tampuhan ng mag-ina na pinagpipiyestahan pa sa social media.
Pero all’s well that ends well ngayong bati na sina Nora at Lotlot.
“Oo, proud. Everyone is… we are all proud of her. Her family is very proud of her,” bungad ni Lotlot sa guest appearance niya sa Magandang Buhay ngayong Biyernes, July 8, 2022.
Maging si Nora raw ay tuwang-tuwa na isa na siyang National Artist ngayon.
Sabi ni Lotlot, “My mom is grateful for the award na ibinigay nila sa kanya. At grateful lang. Beyond words...”
Pinasalamatan ni Lotlot ang lahat ng nagmamahal sa kanyang ina.
“So, maraming salamat lang sa lahat ng nagtitiwala, sa lahat ng nagmamahal hanggang ngayon…
“Sa lahat ng ipinaglalaban si Mommy. So, maraming salamat sa inyong lahat.”
LOTLOT-NORA RECONCILIATION
Inilulat ng PEP Troika ang pagbabati ng mag-ina noong Hunyo 20, 2022.
Read: Mag-inang Nora Aunor at Lotlot de Leon nagkabati na
Naging tahimik ang pagbabati nina Nora at Lotlot, na kinumpirma sa Troika ng tatlong malalapit na tao kina Nora at Lotlot.
Hindi nakadalo si Nora nang ganapin ang awarding ceremony para sa walong recipients ng National Artist award sa Malacañang noong June 16, 2022.
May sakit noon ang Superstar at di pinayagan ng doktor na dumalo sa ceremony.
Ang mga anak niyang sina Ian de Leon, Matet, Kiko, at Kenneth ang nag-proxy.
Si Lotlot naman ay hinidi nakasama dahil siya pala ang nagbabantay kay Nora noon.
Pero sinabi noon ni Matet na matapos nilang tanggapin ang plaque ng kanilang ina ay didiretso silang magkakapatid para ihatid ito kay Nora.
Ibig sabihin nito ay nagkikita ang mag-iina noong araw na iyon.
