PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pokwang and Lee O’Brian broke up in November 2021—Ogie Diaz

Pokwang, Lee O'Brian have been separated since November 2021, says Ogie Diaz.
by Bernie V. Franco
Published Jul 9, 2022
pokwang lee o brian
Pokwang and partner Lee O'Brian are no longer together since November 2021, confirms entertainment columnist Ogie Diaz, Pokwang's friend. Pokwang and Lee met on the set of the 2015 movie Edsa Woolworth, and thereafter a real-life romance flourished between them.
PHOTO/S: @leeobrian on Instagram

Noong nakaraang taon pa hiwalay sina Pokwang at partner nitong si Lee O’Brian.

Kinumpirma ito ng entertainment columnist na si Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel nitong July 8, 2022.

Ginawa ni Ogie ang rebelasyon matapos niyang sabihin na marami ang nagtanong kamakailan kay Cristy Fermin sa kanyang show tungkol sa status nina Pokwang at Lee.

Mukhang nakatunog ang netizens dahil wala nang mga post sina Pokwang at Lee nang magkasama lately.

Nagpalit na rin ng packaging ang sauce-and-condiments business ni Pokwang na dati ay branding nila ni Lee, pero ngayon ay si Pokwang na lang ang nakalagay.

Tinatayang pitong buwan na raw hiwalay sina Pokwang at Lee.

"Noon ko pa ito alam," pag-amin ni Ogie.

Kinumpirma raw ito mismo ni Pokwang sa kanya noong nakaraang taon pa.

Dugtong ni Ogie, "Bilang paggalang kay Mareng Pokie na makakaasa siya na di ito babanggitin."

Minarapat daw ni Ogie na ibunyag ito para hindi na magkaroon pa ng ibang ispekulasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Since lumabas din na iyan, e, kailangan din nating linawin ang isyu na iyan bago pa magsanga-sanga ang isyu na iyan.

"Last year pa, wala sila. Iyan po ang totoo. Last November 2021 pa ay wala na at hiwalay na si Pokwang at si Lee O’Brian."

Hindi naman binanggit ni Ogie kung nagkausap ba sila ni Pokwang bago niya ginawa ang rebelasyon.

Nagbigay rin ng update si Ogie tungkol kay Lee at ang co-parenting setup nila ni Pokwang.

Aniya, "Kaya si Papang Lee ay nasa nagso-solo ng tirahan at siya’y may hanapbuhay yata, at nakatakdang umuwi sa U.S.

"Hindi ko alam kung kailan. Nakatakda siyang umuwi…"

THE CAUSE OF BREAKUP

Natalakay sa vlog ni Ogie ang rason ng paghihiwalay nina Pokwang at Lee.

"Sa totoo lang masalimuot, pero ang sinabi lang ni Pokwang, 'Ang importante ay hindi kami magkagalit nung maghiwalay kami ni Papang.'"

May anak sina Pokwang at Lee, si Malia, 4, at nasa pangangalaga ito ng komedyana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gayunpaman, nakakasama pa rin ni Lee ang anak nito.

"Sabi naman sa akin ni Pokwang, tinanong ko siya, 'Naghahanap ba si Malia kay Papang?'"

Sagot daw ni Pokwang, "Minsan. Pero alam naman niya pag ako naman ang naka-lock-in o nagti-taping tinatawagan ko si Papang para siya naman ang tumoka kay Malia."

Kinumusta rin ni Ogie si Pokwang ngayong single na siya uli.

"Sabi ko sa kanya, ‘Di ba malungkot?'"

Sagot daw ni Pokwang, "'Okay na, Mars. Sanay naman ako nag-iisa noon pa naman, di ba? Alam mo iyan. Kilala mo ako. Ang importante sa akin mga anak ko. Basta kasama ko yung mga anak ko, 'ke may partner o wala...'"

Si Pokwang ay may isa pang anak, si Mae, 25, anak ng aktres sa dating nakarelasyon.

Sina Pokwang ay nagkakilala at nagkatrabaho sa pelikulang Edsa Woolworth noong 2015, na ni-shoot sa Amerika.

Ang kanilang pagtatambal ay nauwi sa totohanan. Kasunod nito ay tumira sa Pilipinas si Lee para makasama si Pokwang at pinasok din ang local showbiz.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pokwang and partner Lee O'Brian are no longer together since November 2021, confirms entertainment columnist Ogie Diaz, Pokwang's friend. Pokwang and Lee met on the set of the 2015 movie Edsa Woolworth, and thereafter a real-life romance flourished between them.
PHOTO/S: @leeobrian on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results