PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Regine Velasquez pokes fun at herself on recent mic blooper on TV

Regine Velasquez on mic blooper: "BALIKTAD TEH!!!!!!!"
by Bernie V. Franco
Published Jul 9, 2022
regine velasquez
"Minsan talagay ang life gagawa at gawa ng paraan para ibagsak ka sa earth no ??!!" quips Regine Velasquez on her recent microphone blooper
PHOTO/S: Miko Dacanay on TikTok

Tinawanan na lang ni Asia’s Songbird Regine Velasquez ang sarili kaugnay ng recent blooper niya sa telebisyon.

Nag-trend sa social media si Regine sa duet number nila ng singer na si Jason Dy sa episode ng ASAP Natin 'To noong July 3, 2022.

Habang hinihintay kasi ng Songbird ang kanyang part sa pagkanta, hindi niya namalayang baliktad pala ang hawak niyang mikropono.

Related article: Regine Velasquez holds microphone upside down in ASAP Natin ‘To blooper

Nang sisimulan na ni Regine ang kanyang parte sa kanta, inilapit ang mic sa kanyang bibig at bigla niyang napagtanto na baliktad ang mic.

Mabilis siyang naka-recover at sa isang iglap ay nabalik niya sa ayos ang mic nang magsimula na ang parte niya sa kanta.

Animo'y parang walang nangyari.

regine velasquez

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-tweet pa tungkol dito si Regine at pabirong humirit, "Wala namang nakapansin diba?"

Naaliw ang netizens at ipinost nila ang screenshot na baliktad ang mic ng singer.

Ni-repost naman ni Regine ang kuhang video ng insidente sa kanyang Instagram ngayong Sabado, July 9, 2022.

Mukhang may malalim na napagtanto si Regine sa simpleng blooper na ito.

Ang kinanta kasi nila ni Jason ay ang “In Love With You,” ang 1994 duet song ni Regine at ng Chinese singer na si Jacky Cheung.

Sa madaling salita, kabisadong-kabisado na ni Regine ang kanta.

Caption ni Regine (published as is): "Minsan talagay ang life gagawa at gawa ng paraan para ibagsak ka sa earth no ??!!

"Yung sobra kang confident dahil alam na alam mo tong song na to bilang ni record mo to at ilang dikada mo na tong kinakanta eh.

"At pa smile smile ka lang oozing with confidence ka sa madaling salita ang yabang mo pa eh!!!!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Tapos………… teh baliktad mic mo BALIKTAD EH!!!!!! BALIKTAD TEH!!!!!!! [laughing with tears emojis] #haylife @jasondy"

Aliw naman ang comments sa post ni Regine, kabilang na ang kapwa niya artista.

"Miss regggggg pano ka hindi tumawa,,,,,, [laughing with tears emojis," comment ng ASAP host na Janine Gutierrez.

Nagkomento rin sina Jed Madela, Sheena Halili, Jason Dy, Klarisse de Guzman, at Rita DanielaA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

comments

Kuwela rin ang mga komento ng netizens.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Minsan talagay ang life gagawa at gawa ng paraan para ibagsak ka sa earth no ??!!" quips Regine Velasquez on her recent microphone blooper
PHOTO/S: Miko Dacanay on TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results