PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pokwang blasts basher mocking her breakup with “karma” comment

Pokwang to basher: "gaga ka?"
by Bernie V. Franco
Published Jul 9, 2022
pokwang lee o brian
Kapuso actress-host Pokwang deals with a hostile basher in the wake of the comedienne's breakup with husband Lee O'Brian.
PHOTO/S: @itspokwang27 on Instagram

Hindi pinalampas ni Pokwang ang isang basher na nagsabing “karma” kay Pokwang ang breakup nila ng American actor na si Lee O’Brian.

Ito ay matapos kumpirmahin ng entertainment columnist na si Ogie Diaz sa kanyang recent vlog na last year pa naghiwalay sina Pokwang at Lee.

Read: Pokwang and Lee O’Brian broke up in November 2021—Ogie Diaz

Pero hindi raw ito agad isiniwalat ni Ogie dahil na rin sa pakiusap sa kanya ng kaibigang si Pokwang.

Ibinunyag na raw ito ni Ogie matapos lumabas kamakailan ang usapin ukol sa relationship status nina Pokwang at Lee.

Tahimik lang sina Pokwang at Lee ukol sa isyu sa kani-kanilang social media accounts.

Ngayong Sabado, ipinost ng isang online media platform sa Instagram account nito ang balita ng breakup nina Pokwang at Lee.

Nagkomento ang isang netizen at tinag si Pokwang.

Hindi napigilang mag-react ni Pokwang sa sinabi ng isang netizen na karma raw kay Pokwang ang paghihiwalay nila ni Lee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binahiran pa ng pulitika ng netizen ang comment niya dahil magkaiba sila ng sinuportahang presidential candidate ng Kapuso actress-host.

Tinawag ng basher si Pokwang na “bitter” at abala raw sa pagsagot sa supporters ng nanalong presidential candidate, na naging katunggali ng sinuportahang kandidato ni Pokwang.

Gumamit pa ng laughing with tears emojis ang netizen na animo’y kinukutya si Pokwang.

“karma ba yan @itspokwang27” pagkutya ng netizen kay Pokwang.

Sumagot si Pokwang. Hindi raw ito karma. Hinahanda raw siya sa pagdating ng kanyang Mr. Right.

Ani Pokwang (published as is): “hindi po karma ang tawag dun nililinis ni God ang daanan konpatungo sa tamang tao!”

Kinastigo rin niya ang pangungutya ng basher.

Sagot ni Pokwang (published as is): “ikaw kapag namatayan kaba ng kamag anak mo karma agad? Bakit maybpinatay baa ko? gaga ka?”

Hindi na muling sumagot pa ang netizen.

Instagram comment

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

POKWANG-LEE BREAKUP

Samantala, sinabi ni Ogie na November 2021 pa naghiwalay sina Pokwang at Lee, pero maayos daw ang kanilang paghihiwalay.

Co-parenting ngayon sina Pokwang at Lee sa kanilang anak na si Malia, 4.

Tinanong din daw ni Ogie si Pokwang kung ano ang rason ng kanilang paghihiwalay.

Pahayag ni Ogie, “Sa totoo lang, masalimuot, pero ang sinabi lang ni Pokwang: ‘Ang importante ay hindi kami magkagalit nung maghiwalay kami ni Papang [Lee].’”

Nakabukod na raw ng tirahan si Lee, na may pinagkakaabalahang negosyo.

Nagpaplano na rin daw itong bumalik sa U.S., sabi ni Ogie.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress-host Pokwang deals with a hostile basher in the wake of the comedienne's breakup with husband Lee O'Brian.
PHOTO/S: @itspokwang27 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results