Ikinasal muli ang dating aktres na si Krista Ranillo sa non-showbiz husband nitong si Niño Jefferson Lim.
Ito ay ayon sa ulat ng GMA News Online ngayong gabi, July 10, 2022.
Ginanap ang kasal kahapon, July 9, 2022, sa St. Kateri Tekakwitha Catholic Church sa Santa Clarita, California.
Nangyari ang kanilang Catholic church wedding 12 years pagkatapos ng kanilang intimate Jewish-interfaith ceremony noong 2010.
Ayon sa ulat ng GMA News, ang ama ni Krista na si Matt Ranillo III ang naghatid sa kanya sa altar. Kasama namang naglakad ni Niño ang kanyang ina.
Sa kasulukuyan ay mayroon nang limang anak sina Krista at Niño, at ang ilan sa mga ito ay kasamang umabay bilang coin, ring, at bible bearer.
Kasama naman sa mga dumalo ang US-based actress na si Donita Rose, na nagtatrabaho sa Island Pacific Supermarkets, kung saan CEO si Niño.
Base sa post ni Donita, siya ang naging emcee sa reception ng kasal nina Niño at Krista.
Ani Donita sa caption, “Congratulations @ninojeff on your church wedding! @kristaranillo was so funny from start to finish. This is it! Am so honoured to emcee your very special day…and nervous.”
https://www.instagram.com/p/Cfzxz_NvOR7
Taong 2010 nang mabalita ang relasyon ni Krista at Niño, ilang buwan pagkatapos magdesisyon ni Krista iwanan ang showbiz at pumunta sa United States.
Ikinasal ang dalawa sa isang intimate ceremony noong August 8, 2010.
