Pumanaw na ang beteranong comedian at direktor na si Phillip Lazaro.
Binawian ng buhay si Phillip dahil sa multiple organ failure bandang 8:30 a.m. ngayong Lunes, July 11, 2022. Siya ay 52 anyos.
Kinumpirma ng pamangkin ng comedian-director na si Chico Lazaro Alinell ang malungkot na balita sa GMA News.
Bumuhos naman kaagad ang pakikiramay mula sa mga kasamahan ni Phillip sa industriya.
Mensahe ng kapwa niya comedian na si Joey Paras:
Ayon sa dating aktres na si Cheenee de Leon:
Ipinost naman ni John "Sweet" Lapus sa Facebook ang screenshot ng huling mensahe sa kanya ni Phillip noong kaarawan niya:
Mula naman sa Pepito Manaloto star na si Esmael Lopena:
Ayon naman sa character actress na si Frances Makil Ignacio:
Sabi naman ng production designer na si Jay Custodio:
Sa Instagram post ng GMA Network tungkol sa pagkamatay ni Phillip ay nagpaabot ng pagkabigla at pakikiramay ang ilang Kapuso stars.
Kabilang sa kanila sina Derrick Monasterio, Iya Villania, Rocco Nacino, Ken Chan, Carla Abellana, Jackie Lou Blanco, Pancho Magno, Mark Herras, Therese Malvar, Sofia Pablo, Miggs Cuaderno, Addy Raj, Ryan Eigenmann, Lani Misalucha, Gil Cuerva, Royce Cabrera, Maey Bautista, at Althea Ablan.
Ilan sa GMA-7 shows kung saan naging direktor siya ay Full House Tonight, Widow’s Web, Prima Donnas, at Nagbabagang Luha.
Bilang aktor, kabilang sa mga programang nilabasan niya ay ang Beautiful Justice, Contessa, Haplos, I Heart Davao, at Meant To Be.
