Nagpapatutsadahan ba sa isa’t isa sina Ruffa Gutierrez at former Comelec Commissioner Rowena Guanzon?
Kapansin-pansing tila may pinatatamaan sila sa kanilang mga post sa social media ngunit hindi naman nila ito pinangalanan.
Ngayong Martes ng umaga, July 12, 2022, ibinahagi ni Ruffa sa Twitter ang isang quotation tungkol sa pagiging mapagkumbaba.
Nakalagay sa quotation: “People may destroy your image, stain your personality, but they can’t take away your good deeds because no matter how they describe you, you will still be admired by those who really know you better.”
Caption dito ni Ruffa: “It always pays to be kind. Good morning, world!”
Sa kanya namang Facebook, may cryptic message si Guanzon tungkol sa mga taong nagkukunawaring mabait at pa-victim.
Sabi niya: “Beware sa taong kunwaring mabait, madrama at ngayon pavictim.”
Kasunod na post ni Ruffa ay tungkol sa mga estudyante o taong nag-aral sa mga prestihiyosong unibersidad ngunit “asal kanto” naman daw kung umasta.
Sabi niya: “Woke up today realizing that not all students who went to elite universities have manners. May pinag aralan nga, asal kanto naman. Gosh… #RuffasThoughts”
May "just woke up (jwu)" post din si Guanzon sa kanyang Facebook.
Patutsada pa nito: “jwu! hindi lahat ng nanalo ng award magaling, yung iba scam. Gosh...”
Pansin na pansin ang dalawang kaparehong salita sa mga post nila: “woke up” at “Gosh.”
Si Ruffa kaya ang pinatatamaan ni Guanzon tungkol sa award na "scam?"
Hindi kaila sa publiko ang pagkakasangkot ng actress-TV host sa Manila Film Festival scam noong 1994.
Read: Manila Film Festival 1994: The Scandal that Rocked Showbiz
May isa pang post ang dating government official.
Sabi ni Guanzon: “Sana kung paano natin ituring ang mga malalaki ay ganun din sa mga maliliit na tao.”
Si Ruffa riin kaya ang pinatatamaan niya?
Tila may kaugnayan kasi ito sa naunang tanong ni Guanzon sa aktres kung totoo bang may tinanggal siyang dalawang kasambahay at di pa raw binayaran ang sahod ng mga ito.
Na mariin namang itinanggi ni Ruffa.
Read: Ruffa Gutierrez denies accusation she fired two househelps without paying their salaries
Kahapon din, July 11, ang ina naman ni Ruffa na si Annabelle Rama ang tila nakasagutan ni Guanzon.
Read: Annabelle Rama sinagot si Rowena Guanzon? "Huwag ka maging chismosang marites!"
Ngunit hindi na pumatol pa si Guanzon kay Annabelle.
